Chapter 21

64 9 2
                                        

Happy Ending

I thought doon na magtatapos ang lahat. Akala ko magiging masaya na ang lahat pero I really didn't expect this, hindi ko iniexpect na mapapalitan ng matinding pagkalabog ng puso ko, hindi dahil sa saya kundi dahil sa takot at pangamba sa nangyaring aksidente sa Mama ko.

Nandito ako ngayon sa hospital. I feel so stress and heavy. Gustong gusto ko ng matulog at humiga sa malambot naming kama ngunit hindi ko kayang ipikit ang nga mata ko.

Masyadong malaki ang naging impact ng car accident sa ulo ni Mama. Nagdurugo ang ulo pero sinabi naman ng doctor ay aayos lang daw ito kung ipapaoperahan ngunit there's a chance na macomma siya.

Day and night lagi akong nasa hospital, I can't spend my time with George. Lagi niyang gustong pauwiin ako para siya nalang daw ang magbabantay pero hindi ko kaya. I don't want to leave my mother; I don't want to lose someone again. She's my only family.

"Rein ako na ang bahala rito. " saad ni Geffrey.

Aangal pa sana ako ngunit pinigilan niya ako.

" Magpahinga ka na muna riyan, ako na ang bahala kay Tita. " ulit nito.

" Ayoko. " malamig na saad ko.

It's been two weeks. Dalawang linggo ko ng hindi nasisilayan ang ngiti ni Mama.

" Para ka nang panda! Tingnan mo nga yang hitsura ko Villarine, you look so sleepy and tired. You have to rest. "

Inignora ko na lamang siya at pinakatitigan si Mama. Ito lagi ang ginagawa ko sakanya simula ng pangyayaring yun. I always hold her hands and stare to her beautiful face.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si George na may dala-dalang mga pagkain.

" Oh. Nandito ka na pala pre. " saad ni Geffrey.

Tumango lamang rito si George at nagdiretso saakin.

" Baby... You look tired. Are you okay here? " napapaos na sabi nito.

" I'm sorry George. " naiiyak na saad ko.

" Sorry kung namove yung wedding natin ha? Sorry.. "

Mahina akong humihikbi habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. He hushed me and hugged me.

" No baby. it's very okay for me. It's your mother and she need you. "

Hindi parin tumitigil ang pag-iyak ko.

" Hush now baby. Be strong, okay? I'm always here with you. Let's just keep your mother on our prayers. "

Mahina niyang hinahaplos ang buhok ko kaya doon na rin ako natigil.

" Iiyak mo lang yan saakin. I'll stay by your side as always. "

Napangiti ako rito habang yakap yakap niya parin ako. Geffrey has already left kanina pa, maybe he gives us a privacy.

" Are you okay now? Ilabas mo pa ang lahat ng hinanakit mo, if you want to cry then cry. "

Napuno ng iyak at hikbi ko ang loob silid. Saka lang ako tumigil ng naging okay na ang pakiramdam ko. Hindi ko rin iniexpect na makakatulog ako dahil sa pag-iyak ko at siguro dahil sa pagod na kanina ko pa nararamdaman.

Hindi na ako umangal pa ng maramdaman ko ang paglipat saakin ni George sa malaking sofa. I felt him beside me and holding my hands.

" Rest now, baby. "

Hindi na narinig ang sumunod nitong sinabi dahil sa pagbigat ng talukap ng mata ko na naging dahilan ng pagtulog ko.

____________

HATE ME, DATE ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon