Mother
It's been a month since George and I got married. Hindi parin napproseso sa utak ko ang mga nangyari. Sa lahat ng pagsubok na tinahak at hinarap ng bawat isa at heto, kami parin talaga ang ending.
"Umm..." mahinang ungol nito at tumagilid saken para yakapin ang beywang ko.
Nakaupo ako ngayon sa bed namin na walang manlang saplot except sa puti naming kumot.
Yes, we did it. Not only twice or thrice, we did it many times.
Ang manyakis kasi ng isang 'to, lagi nalang niya sinasabi saken na nakakaakit ako.
"I love you." mahinang sabi nito at mas hinigpitan ang yakap saken.
"Gising ka na?" nakangising sabi ko rito kahit hindi na naman niya ako nakikita.
"Napagod ba kita?" tanong nito na ikinapula na naman ng mukha ko.
Inangat nito ang ulo niya saka ako tinawanan.
"Sobra hmp!" pagsusungit ko.
Bumangon ito at tulad ng ginawa ko ay sumandal din ito sa kama na inuupuan ko.
"What are you thinking?"
"Wala. Let's eat?" anyaya ko.
"I already eat y--" tinakpan ko ng mabilis ang bunganga nito bago na naman sabihin ang salita na yun.
"Gago." natatawang sabi ko.
"I mean, kumain na tayo ng pagkain. Yung pagkain na nakakain."
"Okay okay." natatawang sabi nito bago tumayo.
We lived in his condo unit, actually ayaw ko pa rito na tumira muna because of lola kaso iniisip ko rin si George, baka kasi magtampo saken ang isang 'to.
"Anong gusto mo baby..." sabi nito.
"Anything." sabi ko nalang at dumiretso sa ref niya para uminom.
"Kahit ako?" natatawang tanong nito.
Muntik ko pang hindi makuha ang sinani niya kaya nang makuha ko yun ay binato ko siya ng tsinelas.
"Bakit ba ang manyak mo?" irap ko rito.
"Sayo lang." tawa ulit nito bago nagluto.
Siya lagi ang nagluluto kapag umaga kasi sabi niya lagi daw akong pagod sa gabi kaya para daw hindi na ako mapagod pa sa umaga siya na daw gagawa ng gawain ko.
Ewan ko ba kasi sa isang 'to, apaka manyakis. 'gusto mo naman!' sigaw ng malandi kong utak.
"Let's eat." nakangising sabi nito.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami kina Lola. Napagplanuhan kasi namin na bisitahin sila since miss na miss ko na sila.
Hindi pa kami dumarating sa bahay na narinig ko na ang pagkakagulo sa loob ng bahay namin. I don't know pero kinakabahan akong nagtungo roon kasama si George na inaalalayan ako.
"Lola! Lola!" dinig kong sigaw ni Bella.
"Myghad Lola Andrea!"
"Gumising ka Lola!"
"Lord! Bakit ngayon pa?!" dinig ko ring sigaw ni Geffrey.
Sumunod pa yun ng maraming sigawan sa loob kaya pagkarating ko palang sa pintuan ay dali dali akong pumasok.
Nakita ni Geffrey ang pagpasok ko at dali dali akong nilapitan. His eyes were bloodshot at may luha parin ito sa magkabila niyang mata. I can't help but to shed a tears too.

BINABASA MO ANG
HATE ME, DATE ME (COMPLETED)
RomanceVillarine Annette Rosario. The girl who's full of love and dream. A girl who only wants the best for everyone. She's like an angel that fallen by the sky. An angel who makes everything feels better. She's full of love and vitality. Her life is almo...