ConfusedNandito ako ngayon sa library dahil may hinahanap akong libro para sa susunod na pagtuturuan ko. Ito na yung last period ko na papasukan kaya nagmamadali ako kasi baka umuwi yung mga bata. Intern kasi ako dito sa St. Therese Elementary School, and being intern is not easy. Muntik pang mahulog yung mga libro sa pangangalkal ko.
Ampuchi naman eh! Nasaan na yun?! Inis na inis ako habang nangangalkal nang may makita akong kamay sa harapan ko na hawak hawak yung libro na kanina ko pa hinahanap. Nagulat ako nang makita si Geffrey sa harapan ko.
"Ito ba ang hinahanap mo?" tanong nito.
Nang makarecover ako ay ngumiti ako sakanya at hinablot yung libro na hawak niya.
"Ampuchi ka! Kanina ko pa 'to hinahanap e!" inirapan ko siya at mabilis na umalis.
I need to be hurry! Baka umuwi yung mga bata ko!
"Teka lang!" mabilis niya akong nasundan kaya hininaan ko yung paglalakad ko.
"Ano ba Geff! I need to hurry! Baka akala ng mga estudyante ko e hindi ako papasok!" sigaw ko rito at mabilis ulit na naglakad.
Kailangan ko nang makapasok baka akala nila eh hindi na naman ako papasok! Pashnea naman eh!
"Bakit ka ba nagmamadali eh intern ka lang naman. At bakit ba ayaw mo 'ko kausapin?" tanong nito.
"Let's catch up nalang okay? Nagmamadali talaga ako Geff, I'm sorry." mabilis ulit akong naglakad at hindi na rin sumunod si Geffrey.
"Sige na nga. Sobrang busy mo na kaya I'll wait nalang sayo dito," saad nito.
Tango lang ang naging sagot ko sakanya at mabilis nang naglakad papunta sa classroom na pagtuturuan ko.
I felt relieved. Mabuti naman at hindi na muna nito maiistorbo yung oras ko.
Naabutan ko ang mga bata na naglalaro sa labas ng room kaya dali-dali silang pumasok. Narinig ko pa nga na sumigaw yung isa ng "Andyan na si Teacher!" pero mas natawa ako noong narinig ko yung isa na nagsabi ng "Sinungaling!"
Naglakad ako ng mabilis at nang makita ako ng mga bata ay dali-dali nilang pinagpupulot ang mga papel na kanina pa nila binabato sa isa't isa.
Nang nakapasok na ako ay lahat sila nakaupo sa mga upuan nila habang nagkukunwari'y nag aaral. Natawa nalang ako sa isip ko.
I wonder kung nag-aaral ba talaga sila. I remembered myself to them, this is just like me when I was at their age. Pakunwari'y nag-aaral kaya sa huli ay tatawanan din kami ng teacher namin.
"Good afternoon class," sabi ko at dumiretso sa table ko.
"GOOD! AFTERNOON! TEACHER! GOOD AFTERNOON, EVERYBODY!" sabay sabay na sabi nila.
Isa sa mga nagustuhan ko sa paaralan na ito ay masunurin ang mga bata, hindi tulad sa iba na kahit maubos pa laway mo kakadaldal wala silang pakialam. And also I love kids kaya kumuha ako ng Bachelor of Elementary Education.
When I was a kid, I used to love teaching profession. Isa sa naging motivation ko kung bakit ako nag-pursue nito is yung mga kaibigan ko na tinuturuan ko dati noong ako'y bata pa.
I'm actually very proud of myself for achieving and pursuing my dream. I can now help those kids who badly need my help and guidance.
Ako yung tipong intern na favorite ng mga batang ito. Oo, favorite. Lagi ko kasi silang naririnig na naguusap-usap kapag may free time sila or should I say a recess, like pinagyayabang nila ako sa mga estudyante na hindi ko namemeet.
--
"Goodbye class,"
"GOODBYE TEACHER REIN! THANK YOU FOR TEACHING US TODAY! HAVE A NICE DAY!" they said in unison.
BINABASA MO ANG
HATE ME, DATE ME (COMPLETED)
RomanceVillarine Annette Rosario. The girl who's full of love and dream. A girl who only wants the best for everyone. She's like an angel that fallen by the sky. An angel who makes everything feels better. She's full of love and vitality. Her life is almo...