Changed
It's been one and a half year since that day happened.
Inaamin ko na sa isang taon na yun ay lagi siya ang iniisip ko, even kapag nag teteach ako. Kahit saan ata lagi ko siyang naiisip kasama na ngayon. Iniisip ko na naman siya. Haysss. Minsan na nga lang ako umibig e palpak pa.
"Rein! Nandito na ang sundo mo!" sigaw ni Lola sa sala.
I'm here in my room, nagmumukmok na naman. This is my special day pero hindi ko feel. Yung feeling na masaya ako at the same time malungkot.
Tumingin muna ako sa salamin at huminga ng malalim bago nagdesisyon na lumabas ng kwarto. Gagraduate na ako ng BEED Major in English and I am Magna Cumlaude at our university.
Lola is so happy when I tell her about it, even Geffrey. They're so proud of my achievements.
Nang nakalabas na ako ay nakita ko si Geffrey na nakatoga narin. Napaka pormal ng suot nito at proud na proud na nakatingin ito saakin. Isa kasi siya sa successful engineer ng batch nila kaya grabe kong makapagyabang.
"Ang ganda mo naman po Ma'am," puri nito saakin bago ako nilapitan.
"Matagal na," walang emosyon na tugon ko.
"Ah. Ngayon ko lang kasi napansin e," asar nito saakin.
"Ah kaya pala patay na patay ka saakin noon hanggang ngayon," asar ko rin sakanya.
"Wow! Patay na patay talaga? Haba ng hair mo ghorl!" hinawi niya ang buhok ko habang sinasabi yun kaya ayun at medyo nagulo.
"Hoy! Tama na iyan mga Apo!" awat saamin ni Lola.
Nakapormal na rin ng suot si Lola dahil siya ang magsasabit saakin ng medalya ko. Proud na proud saamin ito ni Geffrey kasi raw finally nakatapos na raw kami at pwede ng magtrabaho. Simula ng makilala niya si Geffrey e lagi na siya ang bukang bibig nito, botong boto nga ito kay Geffrey para saakin eh. Ang sipag daw nito tapos mabait at matalino pa na bata. Pero hindi ko nalang iniisip yun.
Geffrey is my boyfriend, hindi literal na boyfriend ha? Kumbaga kaibigan ko siya na lalaki. Siya lang yung nandyan kapag kailangan ko ng masasandalan kaya sobrang thankful ako na nakilala ko ang gagong 'to.
"Let's go?" yaya ko sakanila.
Ang sasakyan ni Geffrey ang ginamit namin nang papunta na kami roon dahil wala pa nga akong sariling sasakyan. Siguro pag iipunan ko muna yun bago ako makakuha ng akin. Gusto ko talaga magkaroon ng sasakyan kaya laging nag sasuggest saakin si Geffrey na tuturuan daw muna niya akong mag drive kaya ang ending tinuturuan nga niya ako.
Nang dumating kami sa school ay marami ng tao. Medyo kinabahan ako ng makita ko sina Issa. Simula kasi ng pangyayaring yun ay lagi ko silang iniiwasan, ayaw ko man pero wala akong magagawa kasi masyadong masakit ang ginawa nila saakin.
They even try to talk to me pero hindi ko sila pinapansin. I don't want to hurt them, kailangan ko lang muna ng time para makaiwas. May trust issue na ako. Nginitian nila ako ng napasulyap sila saakin. I smiled back. Atleast pinapansin parin nila ako.
"Let's go babe!" akbay saakin ni Geffrey.
Nang makita nila sa Geffrey sa likod ko ay nakitaan ko ng pagkagulat ang mga mukha nila. Maybe, they think na boyfriend ko ang isang'to. Napasulyap si Geffrey sakanila at mabilis itong lumapit habang hawak hawak ang kamay ko kaya medyo nahiya ako.
"Hi!" bati ni Tiffany saamin.
"Yow!" bati pabalik ni Geffrey at kinamayan sila.
"Long time no talk mga girls!" masayang saad ni Geffrey.

BINABASA MO ANG
HATE ME, DATE ME (COMPLETED)
RomanceVillarine Annette Rosario. The girl who's full of love and dream. A girl who only wants the best for everyone. She's like an angel that fallen by the sky. An angel who makes everything feels better. She's full of love and vitality. Her life is almo...