Chapter 7

637 50 0
                                    

"Kailangan ko pa bang ulitin?" maanghang na palatak ni Andrew habang maang na tinatapunan ako ng tingin.

"Bakit ako?" balik tanong ko ngunit umikot lang ang eyeballs nito sa ere. "Nandiyan naman si Jinky, siya na lang ang isama mo."

Bakit kung kailan may pagkakataon ako ay doon naman umuurong ang buntot ko? Gusto kong isipin na chance ko na iyon para sabihin kay Andrew ang hiling ni Anna, chance na namin iyong mapag-isa.

Ngunit sa isiping iyon ay pinagtataasan ako ng balahibo sa batok, parang hindi ko maatim na dalawa lang kaming magkasama. Ewan ko, ang tagal na kasi ng panahon noong maramdaman kong kumportable ako sa kaniya.

Sa ngayon ay nagmistulang mayroon ng harang sa gitna namin, tila ba alanganin na tipong iyong dati ay hindi na pwedeng ibalik pa. Sa madaling salita ay may lamat na, mahirap nang pagtagpi-tagpiin ang mga nawala at nasira.

Nawalang pagmamahal at nasirang tiwala. Napalabi ako, saka pa pinanood ang bawat pagdaan ng emosyon sa dalawang mata ni Andrew. Mukha lang siyang maamo ngayon, pero kasing tigas pala ng bato ang puso niya.

"Kung nandito lang siya, bakit hindi 'di ba? Wala akong choice, nagmamadali rin kasi si Sir M," paliwanag ni Drew sa mababang boses. "Kung ayaw mo ay bahala ka sa buhay mo, sabihin ko na lang sa kaniya na kaltasan ang sahod mo—"

"Hoy!" maagap kong bulyaw dito.

Mabilis din siyang tumalikod at hindi na ako pinansin pa, walang lingun-lingon na nilayasan niya ako at deretso itong lumabas ng department. Inis na napatayo ako at kaagad na kumaripas ng takbo upang habulin siya.

"Bwisit ka talaga!" sigaw ko rito nang mapantayan ko ang malalaki niyang mga yabag. "Hindi ako sumama para sa 'yo, ah! Wala lang talaga akong choice!"

"Okay lang. Ako rin naman, hindi mo binigyan ng choice noon," malamig niyang pahayag, kasunod nang pagpasok nito sa loob nang kabubukas lang na elevator.

Aba— sa narinig ay awtomatikong bumagsak ang panga ko. Hinarap ako nito na nananatiling nakatayo sa hamba ng elevator, hindi ako gumagalaw at tanging paninitig lang ang nagagawa ko sa kaniya ngayon.

Hindi ko pa mahanap ang tamang salita para salungatin ito, kasi may parteng totoo naman ang sinabi niya. I mean, yes, totoo nga na hindi ko siya binigyan ng choices dahil nagkusa akong umalis at iwan siya noon.

Mayamaya lang nang mapakurap ako sa kawalan, lalo nang iharang ni Andrew ang isa niyang kamay sa papasaradong pinto ng elevator kung kaya ay muli iyong bumukas. Pinagtaasan pa ako nito ng kilay.

"Na-frozen ka na yata riyan, galaw-galaw din at baka ma-stroke ka," anas nito dahilan para mapaismid ako.

Imbes na gusto kong magdrama ay ang laking panira niya. Tch, kahit kailan talaga siya— he's getting onto my nerves ngunit hindi naman maiwasan na mahabag ako, ang gwapo lang nito sa suot niyang formal suit.

"Pumasok ka na," muling untag ni Drew, rason para mabalik ako sa reyalidad.

Kasing bilis ng kidlat na pumasok ako sa loob at dumikit sa gilid ng elevator, literal na iniiwasang huwag madikit kay Andrew. Kaming dalawa lang ang naroon kung kaya ay maraming pagkakataon na nagririgodon ang puso ko.

Natahimik ako at hindi na nagtangka pang magsalita. Sa oras na iyon ay naging abala ako kung paano ko pakakalmahin ang sarili, kasabay kung paano ko kinukuha ang tamang tiyempo para sabihin sa kaniya ang hiling ni Anna.

Hindi pa nagtagal nang makababa kami sa parking lot kung saan sa tingin ko ay naroon ang kotse nito. Hindi nga ako nagkamali at mabilis din namin iyong narating, kaagad siyang umikot sa gawi ng driver's seat.

Love At Second Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon