"Cheers!" malakas na sigaw ni Jinky, kasunod nang pagtaas nito ng bote sa ere na siyang hawak-hawak niya.
Napangiti ako sa kawalan, saka ko naman din sinabayan ito sa kaniyang kabaliwan. Higit isang oras na kaming naroon ni Jinky sa bar at hindi ko na nga rin mabilang sa mga kamay ko kung nakailang bote na kami.
Gaano man din kaingay ang paligid dahil na rin sa malakas na tugtog at sa mga taong naghihiyawan habang malanding sumasayaw sa gitna ng dancefloor ay mas nangingibabaw pa rin ang boses ni Jinky sa pandinig ko.
Sa nakalipas pang oras ay wala akong ibang ginawa kung 'di ang panoorin siya na ramdam ko man din ang sarili kong kalasingan ay nagagawa ko pang sundan ang mga nangyayari at sinasabi ni Jinky.
Matapos kong tunggain ang natitirang laman sa boteng hawak ko ay marahas akong napabuga sa hangin. Magkasabay pa kami ni Jinky nang maibaba namin iyon sa round table na kinalalagyan naming dalawa.
"Parang mas sumarap ngayon ang alak. Nalasahan mo ba? Lasang ampalaya" aniya sa may kalakasang boses upang mas marinig ko ito.
Naging kibit ang balikat ko. "Hindi ko sure, pero ganoon pa rin naman ang lasa."
Ngayon ko masasabi na totoong may dinadalang problema si Jinky. Kanina pa siya nawawala sa tamang huwisyo, sunud-sunod ang paglagok niya na kulang na lang ay mag-order pa ulit ito ng isang bucket ng alak.
Hindi maiwasan na mapatitig ako sa mukha niya, gaano man kalawak ang ngiti nito sa kabaliwan niya ay hindi naman iyon literal na masasabing masaya siya. Panay pa ang pagkislap ng mga mata nito sa nagbabadyang emosyon niya.
Ewan ko, hindi ko nga rin alam kung ako lang ba o talagang hindi niya ako magawang tingnan. Madalas ay nag-iiwas ito ng tingin na para bang nahihiya siya sa akin, kalaunan nang mapahinga ito nang malalim.
Gustuhin ko man ding magtanong ngayon ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko na kapag pinangunahan ko siya ay para ko na ring pinatunayan kung ano man ang tumatakbo sa utak nito ngayon.
"Elsa..." pukaw niya sa akin, saka pa nagbaba ng tingin at minabuting paglaruan sa kaniyang kamay ang isang bote ng alak.
"Hmm?" Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon, siya namang pag-ismid nito sa kawalan.
"Si Andrew..." panimula niya, samantala ay mas pinili ko na lang ang manahimik. "Noong mga panahon na may pinagdadaanan si Andrew kung saan na kwento niya iyong ex-girlfriend niya na iniwan siya na sumama sa ibang lalaki, ako iyong nasa tabi niya para aluhin at suportahan siya. Ako iyong naging balikat niya na pwedeng iyakan, unan na pwedeng yakapin at pagsabihan ng mga hinanakit sa buhay."
Napasinok ito bago dumukwang sa lamesa, ginawa nitong suporta ang dalawang siko niya na itinukod nito sa gilid at saka pa ako unti-unting nilingon. Doon ay nagkatagpo ang mga mata namin ni Jinky.
Actually, alam ko na ang parteng iyan sa buhay ni Jinky. Matagal niya nang sinabi sa akin ang naging sitwasyon nila dati ni Andrew, kaya ganoon din katibay ang bond nila sa isa't-isa at ganoon sila ka-close.
"Sa akin siya madalas tumatakbo kapag may problema siya, ako palagi iyong hinihingian niya ng opinyon sa tuwing magdedesisyon siya. Nandoon ako noong mga panahon na nagmu-move on siya at ako ang unang nakasaksi sa muling pagngiti niya. Nakita ko iyong pagbabago ni Andrew na mula sa nanlalamig at matigas niyang puso ay unti-unti ring lumambot. Sa totoo lang ay ang dami na naming pinagdaanan sa mga nakalipas na panahon na magkasama, itinuring namin ang isa't-isa na magkasangga at sa tagal na 'yon— aminado ako na nagustuhan ko si Andrew. Who wouldn't, right? Ikaw nga ay nagustuhan mo siya at kung may isang bagay man ako na hindi sinabi sa 'yo at itinago ay iyon ang pagmamahal ko kay Andrew."
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
General Fiction(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...