Note: For clarification lang sa edad nila, 8 si Daryl noong bata sila at 6 naman si Nade, so noong college sila ay 19 at 17 sila. Noong umuwi si Daryl galing ibang bansa, 26 na siya at 24 na si Nade, and now this timeline(present). 28 at mag 29 na si Nade, means mag 31 na si Daryl. Iyon lang, two years ang agwat po nila. Enjoy Reading!
Kabanata 7:
"Mama look, ang laki ng ferris wheel!" sigaw ni Isaiah nang makita iyon sa likod ng mall kung nasaan kami.
"Sky ranch ang tawag dyan, kilala rin sa Pampanga Eye. Madalas ako noon rito kapag wala kaming pasok dahil dito lang naman ako pinapayagan ni Lola Mami mo," kwento ko sa kaniya habang naglalakad kami papasok sa mall.
Pangalawang araw na namin simula ng maka-uwi kami sa Pampanga, kahapon ay nagpahinga lang kami at ngayon ay balak kong makipagkita sa mga kaibigan ko.
Medyo kinakabahan pa ako dahil ngayon lang nila makikita si Isaiah sa personal.
"Mama, punta po tayo doon mamaya pag-uwi natin ah? Gusto kong sumakay," sabi niya na may kasama pang paghila sa akin braso.
Napangiwi ako, "Takot ako sa heights, baby."
"Sabi mo Mama, madalas ka rito e hindi ka pa nakasakay doon?" usisa niya.
Pinisil ko ang maliit niyang kamay, ang dami talagang tanong. "Oo madalas pero tumatambay lang ako sa ibaba, hindi naman ako sumasakay doon sa malaking ferris wheel."
Tumango siya pero alam ko naman na gusto niya talagang sumakay doon.
Napangiti ako nang makita si Lisa sa isang cafe na pinag-usapan namin, abala siya sa kaniyang telepeno pero nang makitang kami ay kaagad niya iyon binitawan.
"Nade!" Bumaba ang kaniyang tingin sa aking anak. "Oh my gosh, little Nade!" bungad niya sa anak ko madramang napasapo pa siya sa kaniyang bibig, hindi ko maiwasan matawa parang nahawa na siya kay Kevin, o dahil lang iyon sa pagbubuntis niya.
"Hello po." Kumaway pa ang aking anak.
Lumapit ako kay Lisa at niyakap siya, sapat lang para malaman niyang masaya akong makita siya. She's not my bestfriend, I don't even have a best of friend but I treated them special, silang mga naging kaibigan ko noong college.
Umupo si Lisa, hindi pa rin makapaniwala habang nakatingin sa aking anak, bahagyang nanlalaki ang kaniyang mata para bang may nakikita siya sa anak ko.
"Ang laki na niya," bulong niya.
May dumating na pagkain, siguro ay inorder na niya noong wala pa kami, nang maka-alis ang waiter ay nagsimulang kumain na ang aking anak. "Yup, mag-eight years old na siya."
"Pasensya ka na, Nade hindi makakapunta si Kevin kasi may pinuntahan siyang seminar, siguro sa susunod na lang."
Kinagat niya ang ibabang labi animong may gustong itanong pero pinipigilan niya. Habang kumakain kami ay ikinuwento niya ang nangyare sa kaniya sa lumipas na taon na wala ako.
"Mama, I want to go there? May I?" Kalabit ni Isaiah sa akin sabay turo sa isang toy shop sa katapat ng cafe kung nasaan kami.
Kumunot ang noo ko. "Sige, pero dyan ka lang sa makikita ni Mama ah? Huwag kang aalis doon, maliwanag?" wika ko.
Masayang tumango siya saka nagtatakbo palabas, papunta sa tinutukoy niyang shop.
Napabuntong-hininga ako nang tuluyan siyang makapasok, paniguradong may magugustuhan siya mamaya, mahihiya lang iyon magsabi.
"Ang totoo ay nagtatampo ako, hindi mo man lang sinabi sa amin ang tungkol sa anak mo kahit noong magkasama tayo sa school, wala kang binabanggit na may anak ka na," mahinang wika ni Lisa nang maiwan kami.
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
Fiksi UmumTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...