Kabanata 6:"You should visit us, we missed our apo. Ni bumisita kahit isang beses sa isang buwan ay hindi niyo na magawa. Aba! Grenade Lionel, balak mo bang patayin ang sarili mo kaka-trabaho? Hindi na kami bata ng ama mo sana naman kahit minsan ay dumalaw ka," mahabang litanya ni Mommy sa kabilang linya.
Hinilot ko ang aking sentido, bahagya kong nilingon ang pintuan ni Isaiah nang bumukas at pupungay ang matang lumabas siya roon.
Ngumiti ako sa kaniya saka sinenyasan siyang lumapit.
"Mom, Isa is awake," pag-iiba ko ng usapan namin.
Narinig kong tinawag pa ni Mommy si Daddy sa kabilang linya animong hinihintay talaga nilang makausap ang apo.
Nang makalapit si Isa ay hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning, mama," paos na boses na bati niya sa akin bago umupo sa kaniyang upuan.
"Lola mami wants to talk to you, Isa." Iniabot ko sa kaniya ang cellphone.
Nakita kong nagliwanag ang mata niya bago kausapin ang magulang ko, tumayo naman ako para ipagtimpla siya ng gatas. I can hear my mom's rant about us being far to them and me, being busy to my job.
"We'll visit there Lola Mami, on my vacation po. Next week ay wala na kaming pasok sasabihin ko po kay Mama na pumunta kami dyan kahit one week po," narinig kong pang-uuto ng aking anak sa aking mama.
Bahagya ko siyang sinulyapan pero nagpeace-sign lang siya akin. Hindi naman ako tumutol dahil talagang hinihintay ko lang talaga matapos ang araw ng mga klase bago kami umuwi sa Pampanga.
Sa lumipas na tatlong taon ay namalagi kami sa Cagayan De Oro, sa probinsya namin, habang si Nay Loli ang tanging naiwan sa bahay namin sa Pampanga at madalas ay kinukuha na rin ng aking ina upang tulungan siya sa bahay.
Magwa-walong taon na si Isaiah at mag-grade two na sa pasukan.
Tandang-tanda ko pa kung bakit kami bumalik dito, may sakit ang aking lola noon at pinaki-usapan ako ni Daddy na umuwi rito para may kasama man lang ang matanda. I wanted to take care of my grandma too, so after Sascha's wedding, me and my daughter left Pampanga.
Naalagaan ko naman ang aking lola ng halos isang taon at kalahati bago siya pumanaw, hindi na kami naka-uwi sa Pampanga dahil kalagitnaan ng taon noon, nag-aaral na si Isaiah at nagtuturo na rin ako sa isang pribadong paaralan.
"Mama, kailan po lalabas ang baby nila ninang Lisa?" tanong niya habang kumakain ng pancake.
Bahagya akong nag-isip sa kaniyang tanong. "Mga limang buwan," sagot ko.
"Kapag tumawag po sila, kakausapin ko po ha? May sasabihin ako sa baby niya," bilin niya saka nagpatuloy sa pagkain.
Nang umalis kami sa Pampanga ay hindi pa rin alam ng kaibigan ko ang tungkol kay Isaiah, nalaman lamang ni Lisa noon nagvideo call kami at biglang napadaan sa likod ang aking anak, tanging silang dalawa lang ni Kevin ang nakaka-alam noon, pinaki-usapan kong huwag na lang iyon sabihin sa iba at hindi naman nila kinuwestyon ang desisyon ko.
Habang kumain si Isaiah ay hindi ko maiwasan malungkot habang naka-tingin sa kaniya.
"Pagkatapos mong kumain anak kuhanin mo 'yong tinuturo ko sa'yo para sa monday ay alam mo na, hindi mo pa ata nasasagutan 'yong activity four na ginawa ko," wika ko.
Tumango naman siya, "Yes, mama. Tapos pwede na ako maglaro sa labas?"
Ginulo ko ang kaniyang buhok. "Oo naman, basta tapusin mo lang 'yon."
Araw ng linggo kaya araw rin para turuan ko siya. Hindi naman sa pini-pressure ko siya sa pag-aaral dahil naranasaan ko iyon noon, gusto ko lang na kahit papaano ay may alam siya bago nila pag-aralan sa ganon ay hindi na siya mahirapan pa.
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...