Kabanata 4

102K 5K 1.5K
                                    


Kabanata 4:

"I-I forgot my car," napapahiyang wika ko habang naka-sakay sa kaniyang kotse. Sinulyapan ko siya pero parang hindi naman niya ako narinig. Kinagat niya ang ibabang labi, mas humigpit ang hawak sa manubela.

"Daryl, 'yong kotse ko dala ko ibalik mo na lang ako doon!" I demanded.

Ang gaga naman kasi! Bakit ko ba nakalimutan dala ko ang aking kotse?

Matapos niyang sabihin ang salitang iyon ay literal na natulala ako. I should be mad at him, parang nakakabastos iyon kung may makakarinig pero wala akong inis na naramdaman at kabaliktaran pa no'n ang naramdaman ko. I found him attractive.

He told me that we will talk about his offer. I already said to him that I'm not interested about the job because I have a regular job and I love teaching, but he's so indefatigable.

Napansin kong masiyadong mabilis ang kanyang pagpatakbo, hinampas ko siya sa braso. "Daryl, kapag tayo naaksidente mumultuhin talaga kita!" banta ko sa kanya.

Bahagya siyang sumulyap sa akin. "Do you think I'll let that to happen?"

Lumunok ako sa tanong niya, kinabig niya ang kotse papasok sa village nila.  Bakit ba siya nagmamadali? Natatae na ba siya?

Inihinto niya ang sasakyan sa mismong gitna ng kalsada, lumabas siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Let's go inside."

"Hindi mo ba igigilid man lang 'yong sasakyan mo? Baka magalit mga kapitbahay niyo!" narantang wika ko nang hilahin na niya ako papasok.

Hindi niya ako sinagot, nang makapasok kami ay roon ko lang naalala na baka nandito si Sascha.

Anong sasabihin ko? Bakit kami magkasama ni Daryl?

Hinanda ko na ang sarili ko para magdahilan pero tahimik ang bahay. Nameywang siya saka sinuklay ang kanyang buhok habang nakatalikod sa akin, bahagya pa niyang pinatunog ang kanyang leeg bago humarap sa akin.

Ang singkit niyang mata ay matalim ang tingin noong una pero nang magtama ang aming mata ay bigla iyon lumambot.

Daryl stepped forward, I motioned him stop using my hand. If he touches me, I'm sure i'll give in. I'm so scared that I might lose my mind.

Oh Gosh, my rules! Don't be attached but here I am, ready to be touch.

"Daryl stop."

Bigo ako nang hindi niya ako pakinggan, mas lumapit siya hanggang magpantay kami tanging isang hakbang na lang ang pagitan, nahigit ko ang aking hininga dahil doon.

I shouldn't be here.

"Why are you nervous around me, Nade?" he asked in a low voice.

Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso, itinuon ko ang aking tingin sa kanyang lalagukan na bahagyang gumagalaw kapag lumulunok siya.

"W-What job are you offering to me?" pag-iiba ko sa usapan, gusto ko na lang umuwi.

"Sino 'yon?" tanong niya ulit.

Alam kong si Imigo ang kaniyang tinutukoy, nagulat din akong makitang nandoon siya. Na sagot ko na iyon kanina pero parang hindi siya kuntento sa sagot ko.

Binasa ko ang ibabang labi, umawang ang aking bibig para magsalita pero sa huli'y umiling na lang ako. I swallowed hard, forces my mind to work and ignores my loud heart beat.

He laughed humourlessly. "You used to tell me everything before, Nade. Remember?"

Huminga ako nang malalim, totoo iyon at hindi ko naman makakalimutan. Noong nag-aaral pa kami, masiyado akong observant sa paligid kaya ako rin ang unang naka-alam ng nangyari kay Sascha, tandang-tanda ko pa na kay Daryl ako unang lumapit.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang ako sa kanya lumapit dahil nakita kong close sila kung hindi para mapalapit din ako sa kaniya, ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kanya noon.

"He's my first boyfriend." Sa wakas ay nasabi ko.

Marahan siyang tumango sa sinabi ko pero bahagyang kumunot ang noo.

"Why did you two broke up?"

Is it normal to feel like this? Na kahit ang tagal namin hindi nagkita ay pagbalik niya ay mas nadagdagan pa ata ang nararamdaman ko sa kaniya, at mahirap dahil alam kong walang katugon itong nararamdaman ko.

He's just being nice and concern because I'm his friend. Right!

Noon pa man, ganito na talaga siya. Masiyado siyang mabait kaya hindi na ako nagtataka kung maraming magkagusto sa kanya.

"H-He cheated."

"That's good."

Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniyang gwapong mukha. Oh God, please make this man happy for me, kahit siya na lang ang maging masaya. Okay na ako doon.

"Ha? Good na niloko niya ako? Anong good doon? D-Do you tolerated cheating?" Kunot-noong tanong ko.

"Good that you two broke up and no, I'll never cheat to my woman. Not gonna happen," mabilis niya wika.

Nakahinga ako nang maluwag, mabuti naman. Kung talagang magloloko siya kay Sascha ay ako mismo ang puputol sa mahabang sawang inaalagaan niya.

Dahil sa naisip ko ay wala sa sariling bumaba ang tingin ko roon.

"Eyes up, Doll face."

Nahigit ko ang aking hininga sa sinabi niya, hindi ganito makipag-usap si Daryl noon kaya hindi ko alam kung anong nagbago ngayon. Why is he acting like this? Bakit ngayon kung kailan may sari-sarili na kaming pamilya.

"I-I have to go. Madami pa pala akong gagawin, akala ko nandito rin si Sascha e. Mag-taxi na lang ako."

"Ihahatid kita mamaya, sandali lang." Huminahon na ang kaniyang boses, wala ng tensyon doon. Naglakas loob akong tingnan siya sa mata, pero isang pagkakamali iyon dahil sunod-sunod ang tahip ng aking dibdib.

'Nade, why are you like that? May asawa na 'yan. Wake up! Don't go that low!' pangangaral ko sa aking sarili.

Daryl smiled at me.

"Don't look at me like that, Nade."

"Like... what?" I asked while looking at his lips. Can I taste that? Isa lang.

Daryl's gaze dropped to my lips, I bit my lower lip nervously.

"Like you like me so damn much. Like, you want me too." He trailed off, I felt a soft, warm hand cupping my cheek.

I sighed. I'm sick, I like him so much after all.

"I do, I like you so much that I'm losing myself, Daryl."

***

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon