Kabanata 32:Nang magising ako ay si Daryl ang unang bumungad sa akin. Nasa isang kwarto ako sa ospital, naka-upo siya sa gilid ng kama ko habang nakadukmo sa aking mga kamay.
Kaagad kong naalala ang sinabi ng nurse bago ako mawalan ng malay. Kahit gustuhin kong umiyak sa sobrang pagkalito sa mga nangyayari ay wala na ata akong luha na natitira pa.
Pwede pala iyon, 'yong nasasaktan ka pero ayaw lumabas. Nasa dibdib mo lang ang sakit at kahit anong oras ay sasabog na.
Yung parang bawat paghinga mo ay may mabigat sa dibdib mo.
Hindi ako kumikibo habang papunta kami sa presinto kung nasaan si Eugene. Naiwan naman sa ospital ang Ina ni Daryl upang bantayan si Rev habang wala pang malay.
Kaming apat nila Sascha, Travis at Daryl ay naka-sakay sa iisang kotse, dapat ay maiiwan ang mag-asawa pero hindi pa kayang magdrive ni Daryl, ramdam kong nanginginig ang kamay niya sa galit at hindi ko alam kung para kanino ba iyon.
Mag-aalas nuebe na ng umaga, wala pa silang tulog samantalang ako ay nakatulog kahit papaano pero masakit pa rin ang ulo ko.
Nang makarating kami sa presinto para kausapin si Eugene ay kaagad akong hinawakan ni Daryl sa braso, inaalayan niya ako na parang buntis dahil nakaharang pa ang kamay niya sa harapan ko animong iniiwas akong masagi ng kung sino.
Tinaasan ko siya ng kilay, hindi naman ako buntis kung maka-alalay naman ay akala mong buntis ako.
"Daryl, hindi ko ako buntis umayos ka nga," inis na wika niya.
Napabuntong-hininga siya. "I know, wala pa naman nangyayari sa atin," mahinang wika niya.
Hindi ko na binigyan pa ng atensyon iyon hanggang makarating kami sa isang selda, maraming tao sa loob pero tumuon ang atensyon ko sa isang lalaki naka-upo sa gilid habang duguan at putok ang nguso.
May sinabi si Travis sa pulis, medyo ilang minuto silang nag-usap bago utusan noong pulis na isa ang medyo batang pulis na ilabas sa selda si Eugene at dalhin sa isang kwarto.
Pinatunog naman ni Daryl ang kaniyang leeg animong sasabak siya sa giyera. Nanginig ang aking kamay habang pinapanuod siyang ipasok sa kwarto, gustong-gusto ko siyang sugurin at saktan kung hindi lang din ako hawak ni Sascha sa braso ay baka kinalmot ko na siya.
"Ako ang magtatanong sa kaniya," inunahan ko na si Daryl.
Dahil alam kong kapag siya ang nagtanong ay baka talagang matuluyan na niya na si Eugene. Sinulyapan niya ako sandali napangiwi siya ng makitang seryoso ako bago marahan siyang tumango.
Nang makapasok kaming apat kasama ang dalawang pulis sa loob ay nag-angat ng tingin si Eugene sa akin, pakiramdam ko ay tumaas ng lahat ng balahibo ko sa katawan ng ngumisi siya, hindi ko lubos maisip na hinayaan kong sumama ang anak ko sa lalaking ito.
Naka-upo siya sa isang upuan doon habang naka-posas ang kanay sa kaniyang likudan.
"Wala pa nga akong isang araw binibisita niyo na ako," aniya na para bang biro lang ang lahat ng ito.
Lumapit ako sa kaniya, sapat lang para magtapat kaming dalawa. "T-Tell me everything you know," utos ko sa kaniya gamit ang malamig na boses.
Humalakhak siya doon, pinanuod kong tumulo ang dugo sa kaniyang sugat sa noo pababa sa kaniyang pisngi, hindi niya iyon pinansin.
Ngumisi siya sa akin. "Kapag nalaman ng anak natin 'to, mukhang hindi siya matutuwa na nasa kulungan ang Daddy niya," wika niya animong natutuwa pa.
Mas dumiin ang pagkuyom ng kamao ko, nameywang naman si Daryl sa gilid ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay susugod siya.

BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...