Kabanata 27:I thought I like him because of his looks, his courage and his confidence. I thought that he is the epitome of the perfect guy. Smart, strong and kind. Iyon naman talaga ang hinihiling ng mga kabataan noon, na sana ay makatagpo sila ng lalaking para sa kanila, 'yung tipong kahit gaano kabangag ang itsura mo ay may magkakagusto pa rin sa'yo. I remember the first time I realized that I'm falling for him, nakakatawa lang dahil hindi ako nagkagusto sa kaniya dahil sweet at mabait siya sa akin, when in fact I fall for him while he's falling for someone else.
Habang pinapanuod ko siyang mag-alala para sa iba, habang pinapanuod ko siyang tumawa dahil sa ibang babae ay nahuhulog na rin pala ako sa kaniya.
Pero ngayon ko napatunayan na kahit mawala sa kaniya ang mga katangian na 'yon ay gusto ko pa rin siya.
Nakita ko kung paano siya umiyak, kung paano siya sumigaw dahil sa sakit, he's not that strong. Nakita ko kung paano siya ma-inggit sa ibang tao, kung paano niya ikumpara ang sarili sa iba, he worried a lot, he's full of insecurities. Nakita ko kung paano siya magalit, kung paano niya isisi ang lahat sa iba, he's not perfect.
I saw him in his downfall and I still love him.
Wala pala iyon sa kung anong meron siya, kapag pala mahal mo ay kahit wala sa kaniya ang mga bagay na gusto mo ay mananatili ka.
"Nade? Nade?"
Napakurap-kurap ako sa tawag ni Daryl sa akin, pinatay ko ang gripo saka lumabas sa banyo ng kaniyang kwarto sa ospital.
Inihanda ko ang aking ngiti para sa kaniya, naabutan ko siyang naka-upo sa kaniyang kama habang kunot ang noo at nang makita ako ay idinipa niya ang dalawang kamay upang salubungin ako ng yakap.
I hugged him enough not to hurt his skin.
"How's my baby sleep?" I asked him.
Hindi siya kaagad humiwalay, ipinahinga niya ang kaniyang baba sa aking balikat habang nakapa-ikot sa aking beywang ang kaniyang braso.
"I had a nightmare, umalis daw kayo ng mga bata. Naiwan ako," sumbong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim, bahagya kong hinimas ang kaniyang braso na may peklat. Magaspang ang kaniyang balat at kulat pink, tanda na pagaling na ito.
"Baka naman bumili lang kami kaya kami umalis," biro ko sa kaniya.
Humiwalay siya sa akin upang tingnan ang mukha ko. I smiled when I saw his protruded lips and his brows snapped together.
"I'm serious, Nade. Isama niyo ako kapag bibili kayo," he said with a serious tone.
Natawa na ako ng tuluyan dahil doon. He's too cute, gosh!
Hinalikan niya ang aking noo, hindi ko maiwasan mapapikit dahil doon at ilang sandali kaming natahimik bago siya ulit magsalita.
"Pasensya ka na ha kung minsan nasisigawan kita, kung minsan pinapa-alis kita nahihiya na kasi ako sa'yo. You stopped your work for me, tatlong buwan na ako rito halos dito ka na rin tumitira, sorry pati si Isaiah napapabayaan mo na dahil sa akin," mahinang wika niya sa noo ko.
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi niya, sa tatlong buwan na nasa ospital siya hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang sinabi iyan at naiintindihan ko naman.
Itinaas ko ang aking kamay upang haplusin ang kanan pisngi niya na walang sunog at peklat, napapikit at bahagyang napa-igtad siya sa hawak kong iyon na para bang napaso siya sa aking palad.
"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na hindi na talaga kami babalik ni Isaiah sa Cagayan? Napagdesisyonan ko na rin na dito na lang ituloy sa Pampanga ang pag-aaral niya," wika ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...