Kabanata 31:"Aba e kay gago pala n'yan, tanga ba iyang kasintahan mo Nade? Jusmiyo halos hindi ka na nga umuuwi para maalagaan siya sa ospital imbes magpasalamat e umasta ng ganon, kupal 'yan hiwalayan mo iyan!" nanggagalaiting wika ni Mommy nang matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari kung bakit gabing-gabi na ay pumunta pa kami sa bahay nila.
Wala naman kasi akong ibang mapuntahan at ayoko ng magulo ang ibang kaibigan ko.
Tumingin ako sa itaas ng bahay, kung saan ko natatanaw ang kwarto kung nasaan si Isaiah, mabuti at nakatulog na siya habang umiiyak.
Napabuntong-hininga ako, wala si Daddy para pakalmahin si Mommy dahil nasa Cagayan daw ito't ipinaglalaban sa mga kapatid ang lupa ni Lola.
Inismidan ako ni Mommy nang hindi ako umimik sa litanya niya.
"Aba e, kaya lang naman ako pumayag sa lalaking iyan kahit may anak na siya ay dahil anak siya ng kaibigan ko. Akala ko ay matinong lalaki iyan, parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Dean parehas gago ang nakuha!" aniya.
Dahil sa sinabi niya ay napalingon ako sa kaniya, nakuha na niya ang buong atensyon ko.
"K-Kilala niyo po ang ex ni Dean?" tanong ko.
Napangiwi siya, sandaling natahimik. "Oo, hindi man ganon kami katagal nagkasama ng ate mo ay may mga na-kwento pa rin siya sa akin. Alam mo bang 'yong kasintahan niya noong highschool ay sinasaktan siya, ano kasing pangalan ng gagong 'yon?" kausap niya sa sarili animong may inaaala. "Ah oo Eugene tarantado ang pangalan no'n. Kapag nakita ko ang hinayupak na 'yon puputulin ko ang pinagkaka-ingat-ingatan niyang small size hotdog! Pasalamat siya't hindi ko alam ang mukha at apelido niya kung hindi sinugod ko iyan at ako ang mananakit sa kaniya tingnan ko kung matuwa siya," walang pigil na wika ni Mommy sabay inom sa hawak niyang baso.
Napahilot ako sa aking sentido, pati kay Mommy sumasakit ang ulo ko.
"Mom, will you stop drinking? Lasing ka na, isusumbong kita kay Daddy," panakot ko pero natawa lang siya.
"Minsan lang naman 'to." Sandali kaming natahimik, tinitigan niya ako, napanguso ako doon. "Mahal mo ba talaga ang lalaking iyon?"
Nagulat ako sa seryosong tono niya, napabuntong-hininga ako.
"O-Opo," nautal na wika ko.
"Ang rupok mo, punyeta! Hindi ako ganyan noong kabataan ko, Daddy mo ang lumuluhod sa akin. Jusko anak, kanino ka ba nagmana!" histerikal na wika niya, lasing na talaga siya dahil walang humpay na ang mura niya.
"Hindi ko alam Mom. Galit ako sa ginawa niya pero galit din ako sa sarili ko kasi kahit anong kasalanan niya pakiramdam ko ay papakinggan ko pa rin siya," mahinang wika ko.
My mom tsk-ed. "Wala siyang respeto anak, hindi sa sinisiraan ko iyang si Daryl, ang totoo ay gusto ko siya kasi nakita ko kung paano ka niya tingnan at naiintindihan ko rin kung anong pinagdadaanan niya ngayon, pero syempre anak kita doon ako kung anong makakabuti sa'yo at ang tingin ko ay lumayo ka muna dyan sa lalaking iyan para makapag-isip-isip iyan! Nako, ganyan ang mga lalaki porket alam nilang mahal mo sila aabusuhin ka nako! Hindi kita pinalaking matalino para magpakatanga sa lalaki Grenade. Malaki ka na at may anak kaya hinahayaan na kita sa desisyon mo, pero isipin mo rin sarili mo huwag puro iba, sasampalin kita diyan e para magising ka," sunod-sunod na wika ni Mommy.
Napangiwi ako saka napatango na lang sa sinabi niya, lahat ng iyon ay tumatanim naman sa isip ko.
Sinermunan pa ako ni Mommy sandali, bago siya umakyat para matulog na.
Napasandal ako sa sofa at napatitig sa kisame, sinasaktan ni Eugene si Dean noon? Bakit parang base sa kwento naman ni Eugene ay mahal na mahal niya ang kapatid ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/234765717-288-k488235.jpg)
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...