Kabanata 34:NANG sumapit ang pang-apat na araw ay nakarating kami sa Coron. Sabay kaming naghapunan ni Alice ngunit pagkatapos no'n ay naghiwalay na ulit kami, kadalasan ay nagpipinta siya sa kung saan o kaya tumatambay sa casino buong araw samantalang ako ay sa pool area tumatambay at nagpapalipas ng oras. Tapos na rin kaming magdinner ni Alice at dumeretsyo na siya sa kaniyang suite para magpahinga at tawagan ang kasintahan niyang Pulis.
The wind blew, I immediately gripped the edge of my boho dress. I looked up and the sky was black tranquility.
Nagbabadya ng umulan paki-wari ko'y ano mang oras ay iiyak na ang kalangitan.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog, dapat ay i-enjoy ko itong isang linggong bakasyon ko pero habang tumatagal ay parang namimiss ko lang ang Pampanga, ang mga bata at ang trabaho na pagtuturo.
Napatingala ako nang may maliit na ambon na pumatak sa aking noo.
I got the first splatter of rain, then the rainfall became more intense. Umatras na ako para pumasok sa loob pero kaagad din natigilan.Kumunot ang aking noo nang maramdaman na parang may nakatitig sa akin, parang may nakamasid. Kaagad akong lumingon sa aking kaliwang parte, may biglang gumalaw doon.
"S-Sino 'yan?"
Hindi naman ako takot sa multo pero humigpit ang hawak ko sa aking damit.
"Who's there?!" mas lumakas ang boses ko, nakisabay pa ang ulan.
Imbes na umatras ay mas lumapit ako sa parteng iyon, sa kabilang dulo ng pool. Mabilis din akong natigilan nang makita ang isang bulto ng katawan. Masiyadong madilim pero sigurado akong may lalaki doon at tayo pa lang niya ay kilala ko na.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang tayong iyon dahil ilang beses ko siyang tinititigan kapag nakatayo.
Hindi ko alam kung dahil sa saya o lungkot ay mabilis na nangilid ang luha ko.
"D-Daryl?" I asked to confirm.
Umihip ang mas malakas na hangin, mas naging makapal na ang mga tubig na pumapatak sa aking katawan ngunit wala na doon ang aking atensyon.
Napapikit ako nang may tumamang tubig sa aking mata, pagkadilat ko ay wala na ang anino doon.
Malalaki ang mga hakbang ko na pumunta doon sa mismong pwesto kung saan ko nakita ang nakatayo at nagpalinga-linga pero wala ni isang tao ang nandoon. Mas napa-iyak na ako, dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Hindi naman ito ang unang beses na inakala kong nakita ko siya pero masakit pa rin kasi hanggang ngayon ay umaasa akong babalikan niya kami.
Kung babalik siya ay bakit ang tagal? Bakit wala pa rin? Ayaw na ba niya sa amin? Nagbago na ba ang isip niya sa akin? Is he happy now without us?
Mas lumakas ang buhos ng ulan, wala na akong pakielam kung mabasa ang buo kong damit.
"I hate you!" bulong ko habang tahimik na umiiyak, naikuyom ko ang aking palad. 'Bwiset kang Daryl ka!'
"Miss, puwede paki-ayos ang upo mo? Nakikita ko na ang panty mo," boses ng isang lalaki.
My eyes widened as my body froze, I lifted up my gaze slowly and to my suprised, I saw him.
My heart skipped a beat. His dark eyes met mine, his gaze was so intense.
Napatakip na ako sa aking bibig, kinilabutan ako habang dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko't inayos ang dulo ng damit ko na tumaas na dahil sa aking pag-upo. Halos hindi ako kumurap kay Daryl, nakataas ang sulok ng kaniyang labi.
"W-What. Ho-How?" hindi ko matuloy ang sinasabi ko.
His dark hair was messy, the water falling over his forehead and ears.
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...