Kabanata 18

92.8K 3.9K 469
                                    


Kabanata 18

NANG magising ako ay kaagad kong inilibot ang aking paningin sa palogid. Tirik na ang araw sa labas, nanlaki ang aking mata nang maisip ang ginawa.

Nakatulog ako habang tinatanggal ako ng buhok sa kili-kili ni Daryl.

Bumaba ang aking tingin sa aking tiyan, hindi ko maiwasan mapangiti nang makita si Daryl na naka-ulo sa aking tiyan habang nakadapa sa kama, nasa kabila na siya. Mukhang natapos na rin niya ang kabila at naka-tulog din.

Ini-angat ko ang aking kamay upang haplusin ang kaniyang maamong mukha.

Hindi ko alam kung naging mabilis kami o tama bang bigyan namin ng chance ang isa't-isa pero sa ngayon ay susulitin ko muna ang mga oras na magkasama kami dahil hindi ko alam kung kailan ito tatagal.

Alam kong wala pa kaming alam masiyado sa isa't-isa, we need more time.

"Are you hungry, baby?" I was surprised how husky his voice.

Dahan-dahan dumilat ang kaniyang antok na mata, he hugged me more on my stomach.

"N-Nakatulog ako. Sorry, bakasyon natin tapos natulog lang tayo," nahihiyang wika ko.

Umalis si Daryl sa aking tiyan, akala ko'y tatayo siya pero nagulat ako nang umayos siya ng higa sa aking tabi, yumakap siya sa aking tiyan saka sumiksik sa akin leeg.

Suminghot siya doon, bahagya akong nakiliti dahil mainit ang kaniyang hininga.

"I didn't know that you love cuddling," puna ko sa kaniya.

"Not really, but I love it when it comes to you," bulong niya niya at mas sumiksik pa. "Marami akong ayaw pero nagiging gusto ko dahil sa'yo."

Binalot kami ng mahabang katahimikan pero alam kong hindi na siya natulog ulit dahil ang kamay niyang nakayakap sa aking beywang, bahagyang pumipisil-pisil doon.

"Pwede ba akong magtanong?" panimula ko habang nakatingin sa kisame, hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang marahan niyang pagtanggo.

"Nagkaroon ba kayo ng relasyon ni S-Sascha sa ibang bansa?" nag-aalangan tanong ko, ang totoo ay gusto ko lang malinawan. Alam kong matagal na 'yon, pero gusto ko pa rin malaman dahil noon nag-aaral kami ay alam kong may gusto siya kay Sascha.

I saw him kissed her before, I saw how much he worried about her, they even went abroad for her.

Bahagyang lumayo si Daryl sa akin upang tingnan ako, nagtama ang aming mata. "Nagseselos ka ba?" tanong niya.

Umiling ako tapos ay napatango rin. Hindi alam kung iiling o tatango.

He chuckled because of my reaction, he reached my cheek and caressed it.

"You're jealous." I love the feeling of him so close to me. "I honestly like Sascha before. Pero habang tumatagal ko siyang kasama naiisip kong 'yong sa amin ay hindi katulad ng iniisip ng iba. We are not close romantically, I like her as a friend, as sister. Hanggang doon lang talaga, you don't have to worry pagkatapos ng relasyon ko sa ina nila Genesis at Revelation, wala na akong iba. Ikaw na ang sunod."

Nilingon ko siya.

"Do you still love her?" bumara sa aking lalamunan ang sariling tanong.

His forehead puckered. "What kind of question is that, baby?" naiinis na wika niya.

Nagkibit-balikat ako, gusto ko lang naman malaman ang sagot. I know, wala naman na dapat akong ipagselos dahil ako ang kasama niya pero mahirap kasi na wala na nga tapos nagseselos pa ako at nakikipag kompetensya pa.

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon