Kabanata 19"What is it, Daddy?" tanong ni Genesis. Kinagat ko ang aking ibabang labi saka tumingin kay Daryl.
Ngayon araw namin napag-usapan na sabihin na sa kaniyang mga anak, tapos mamayang gabi naman kay Isaiah. Kakatapos lang ng session namin ngayon araw, dalawang araw na simula nang umuwi kami galing Zambales.
Nakaupo ang dalawang bata sa isang mahabang sofa habang nasa isahang sofa naman ako sa tapat nila.
Tahip-tahip ang kaba sa akin dibdib, daig pa ng kaba ko ngayon ang kaba ko noon nag demo ako at licensure exam for teachers ako.
Tumayo si Daryl mula sa kaniyang swivel chair at pumunta sa akin saka niya ako binigyan ng maliit na ngiti. Umupo siya sa arm rest ng aking inuupuan saka ako inakbayan.
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata ni Genesis habang nagsalubong naman ang kilay ni Revelation.
"Gen, Rev... Your Tita Nade and daddy are in relationship. She's my girlfriend now," ani Daryl.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang lakasan ang loob niya dahil alam kong natatakot din siya sa magiging reaksyon ng kaniyang anak.
"No way! She will never be my mom!" sigaw ni Rev.
Parang may kumurot sa puso ko sa simpleng salita lang niya. Napatayo si Daryl, hinawakan ko siya sa braso. "Don't talk like that to your Tita Nade, Rev," madiin wika ni Daryl.
Kaagad nangilid ang luha ni Rev saka siya tumakbo papalabas ng library, lumingon ako kay Genesis na laglag ang panga animong hindi pa naiintindihan ang nangyari.
Akmang susundan ni Daryl si Rev ay pinigilan ko siya. "Ako na ang kakausap sa kaniya. Kausapin mo si Genesis."
Nag-aalangan pa siya pero sa huli'y tumango siya't hinayaan na ako.
Mabilis akong bumaba nang bahay, wala sa sala at kusina si Rev. Mabilis akong lumabas at nakahinga naman ng maluwag nang makita siya sa gilid ng kanilang bahay, naka-upo sa damuhan.
Nag-iwas siya ng tingin nang makitang papalapit ako, ang matalim niyang tingin ay hindi maalis para bang anumang oras ay mangangagat na lang siya.
Naiintindihan ko naman siya. Lumaki silang walang kasamang babae o kasintahan ang daddy nila kaya alam kong natatakot lang sila.
Umupo ako sa damo katulad ng kaniyang upo.
"Galit ka ba kay Tita Nade?" malumanay na tanong ko.
Hindi niya ako nilingon at nanatiling masama at busangot ang kaniyang mukha habang nakatingin sa mga damo.
"I-I'm not mad at you po, I hate d-daddy." Pumiyok pa ang kaniyang boses tanda na anumang oras ay iiyak na siya.
"Bakit naman? Ayaw mo bang maging masaya ang daddy mo?" Tuluyan siyang lumingon sa akin, tipid naman akong ngumiti sa kaniya. "Alam mo bang mahal na mahal kayo ng daddy niyo? Natatakot din siya noon hanggang ngayon kaya nga ngayon lang ako nakuha ng daddy niyo kasi kayo ang iniisip niyang dalawa, masyado pa kayong bata noon, pakiramdam niya ay wala pang oras para isipin niya ang sarili niya," paliwanag ko sa kaniya.
Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy ako.
"I love your daddy so much, Rev. You don't have to worry, hindi naman ibig sabihin na kami ay mawawalan na siya ng oras sainyo, na balewala na kayo. Maniwala ka man o hindi, I love you and Genesis. Kung gaano ko kamahal ang Daddy niyo, ganon din sainyo."
"B-But we have a m-mommy..." Nanginig ang ibaba niyang labi.
Sobrang bigat ng pakiramdam ko, sobra akong naaawa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Teach Me Again (Teach Series #2)
General FictionTEACH SERIES #2: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐀𝐠𝐚𝐢𝐧 As children, Daryl Ajax Yoshida and Grenade Lionel came up with a game. Many years later, they grow apart as their lives take different directions. It seems like the young friends are riding on two paralle...