Kabanata 22

84.4K 4K 276
                                    

Kabanata 22:

Parang natigil ang luha ko nang makita si Isaiah sa hagdanan habang kinukusot ang isang mata. Inalalayan akong tumayo ni Daryl.

"I-Isa..." I called her.

Lumapit siya saka nagtatakang nagpalipat-lipat ng tingin sa amin, huminto ang tingin niya kay Eugene, bahagya lang nagsalubong ang kaniya noo bago lumapit kay Daryl, itinaas niya ang kamay animong nagpapakarga.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng buhatin ni Daryl ang anak ko't mahigpit itong niyakap, para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa kaniya lumapit ang anak ko.

"Tito Daddy bakit umiiyak si mama?" inosenteng tanong niya, sinapo pa ng anak ko ang magkabilang pisngi ni Daryl.

Lumapit ako sa kanila, hinimas ang likod ng aking anak habang hawak siya ni Dadyl.

"N-Nade," tawag sa akin ni Eugene.

Alam ko ang gusto niyang mangyari. He want me to introduce him to my Isaiah, I know, it's his right to be acknowledge.

Nagkatinginan kami ni Daryl, he stare at me for a long time before he nodded. He nodded softly as if he agreed to say everything to Isaiah, he tried to smile at me but it ended in a long deep sigh.

"Isaiah."

Lumingon sa akin ang aking anak, ang mala-pusa niyang mata ay inosente akong tiningnan halos gusto ko na lang umiyak nang haplusin ng maliit niyang kamay ang pisngi ko at punasan ang basa sa akin pisngi.

"Mama don't cry, bakit ka ba umiiyak? Naiiyak na tuloy ako," sabi niya habang nakayakap kay Daryl.

Tipid akong napangiti sa kaniyang tinuran. I need to be strong for my daughter, my life is too complicated and I don't want my daughter's life to be the same as mine.

"Nade," mukhang naiinip na usal ni Eugene.

Tinaliman siya ng tingin ni Daryl bago pa siya makapag-komento ay inunahan ko na siya.

"Sandali lang, bigyan mo muna kami ng oras, she's a child ayokong mabigla," sabi ko habang nakatingin kay Eugene, tumango siya.

Nilingon ko si Isaiah.

"H-Hindi ba sinabi ni Mama noong nakaraan na hindi si Tito Daddy ang totoo mong Daddy? He's mommy's boyfriend," malumanay kong panimula naningkit naman ang kaniyang mata bago tumango. Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin sa akin si Daryl. I can see unfamiliar emotion in his eyes. "This man, he's your real f-father." I choked my words.

Hindi ko alam kung bakit hindi bukal sa puso kong sabihin iyon, pakiramdam ko ba'y hindi ko dapat sinabi ang bagay na 'yon.

Ang antok na mata ni Isaiah ay biglang nanlaki, mahina pa siyang napasinghap saka tumingin kay Eugene.

Pumasag-pasag siya kay Daryl dahilN upang ibaba siya nito. Ganon na lang ang kabog ng aking puso nang tumakbo si Isaiah papunta sa kaniyang ama, sinalubong siya nito ng yakap, umiyak siya sa bisig ni Eugene. Parang may humaplos sa puso ko sa eksenang iyon, masaya ako para sa anak ko pero may isang parte sa akin na hindi masaya sa nangyayari.

Siguro dahil iniisip kong ayaw ko sa kaniya at ayaw kong magulo na kami kaya ganito ang pakiramdam ko. May binubulong sa kaniya si Eugene, tumatango-tango naman ang aking anak habang magkayakap sila.

Pinunasan ko ang aking luha saka napabaling kay Daryl nang tumalikod siya.

"D-Daryl..."

He smiled at me. "Aakyat lang ako, medyo inaantok na kasi ako. After he leave, make sure to close the door," mabilis niyang wika saka mabilis umakyat sa itaas.

Sumikip ang dibdib ko doon.

Please Daryl, understand me. This is for my daughter.

                    NANG maka-alis si Eugene ay halos maghahating-gabi na, nanatili lang ako nandoon habang nagku-kwentuhan sila ni Isaiah. Kahit ano kasi pilit ko ay hindi mabitaw ang aking anak sa kaniya at naiintindihan mo naman iyon.

I sighed and kissed her temple, she's sleeping peacefully. Bago ako dumeretsyo sa kwarto ni Daryl at dinaanan ko muna ang kwarto ni Rev at Gen para tingnan ang lagay nila.

Nang makatapat ako sa kwarto ni Daryl ay humugot ako ng malalim na hininga.

Is he mad?

Nang makapasok ako ay madilim na ang kwarto at tanging maliit na ilaw na lang ang nagbibigay liwanag sa kaniya. Naabutan ko siyang bahagyang nakadapa sa kama, hubad ang kaniyang itaas at tanging boxer lang ang suot.

My face heated up. I already slept with him, noon pumunta kaming Zambales pero nang matulog kami ay naka-sando siya't sweater short noon.

Dahan-dahan akong humiga sa kaniyang tabi. Is he really sleeping?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kisame bago dumikit sa kaniya. Bahagya akong pumatong sa kaniyang likod upang makita ang kaniyang mukha pero sapat lang upang hindi siya mabigatan.

His eyes are close,  he's breathing heavily while his body relaxed.

I looked at his peaceful face. Dahil bahagya siyang nakatalikod at dapa ay kalahati lang ng kaniyang mukha ang kita ko. Marahan kong sinuklay ang kaniyang malambot na buhok, sumasabay ang bawat hibla no'n sa bawat haplos ko.

I kissed his cheek then the corner of his eyes. Hindi pa ako nakuntento doon, bumaba nang bumaba ang dampi ng aking mga labi sa kaniyang leeg at likod.

Bumuntong-hininga ako saka dinampiang ng halik ang gilid ng kaniyang labi. "I love you too, Daryl. You don't have to worry, nang tanggapin ko ang nararamdaman ko tinanggap ko rin lahat ng pwedeng mangyari sa atin alam kong hindi magiging madali pero sana lumaban ka kasi mahal na mahal kita hindi ko man masabi sa'yo ng harapan alam kong alam mo na sa'yo lang ako mula noon hanggang ngayon."

Para akong nakahinga ng maluwag ng masabi ko iyon, kahit pa nga tulog siya.

Umayos ako ng higa at natulog na rin. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit, nakatulog na ako pero hindi pa ganon kalalim kaya ng may yumakap sa akin mula sa aking likuran ay kaagad kong naramdaman.

Mahigpit akong niyakap ni Daryl at isiniksik sa kaniyang katawan.

He kissed my shoulder, I didn't move a bit. I let him, I want to know what will he do.

"I'm sorry baby, I'm so insecure. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala kayo ni Isaiah sa akin, natatakot ako. I don't know what I'd do without you."

***

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon