02

551 12 0
                                    


“Sinong ikakasal?” Nagtataka man ngunit nakangiti ang mga labi ni Calia habang naglalakad papunta samin.

Napalunok ako. “Kanina kapa dyan?” Sinikap kong hindi mautal sa mga salitang binitawan ko.

Ramdam ko ang kabog ng heart ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko, magsasalita ba ako? Ano ang dapat kung sabihin? Pano kapag... Malaman niya? I don't know what to do.

Kitang kita ko kung paano hinawakan ni Calia ang bewang ni Kurt. Lumayo naman ako sa kanilang dalawa, at tinuon nalang ang pansin sa entrance door ng covered court.

“Hindi... Kasal lang ang narinig ko. Sino ba kasi ang ikakasal, Kurt?” Calia said.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Anong palusot ang sasabihan ko?

Hindi nagsisinungaling si Calia sakin.. never siyang nagsinungaling. Pero ako... Subrang pagsisinungaling ang ginagawa ko sakanya. Anong klaseng kaibigan ako? Nakaramdam ako ng guilt dahil sa naisip.

“Babe, yung pusa na binili ko last month. Bale... Ganto.. yung pusa kong iyon, nabuntis niya yung pusa ni mommy.. ay este.. mommy ni Eunyka. Yun.. nabuntis ng pusa ko yung pusa ng mommy ni Eunyka.” Ngumiti si Kurt matapos niyang sabihin iyon.

Tsk, he's not good at lying. Hindi siya pasado.

Bumaling siya sakin ng tingin, naghihintay sa sasabihin ko. Gosh! Anong sasabihin ko? Wala namang cat ang mommy ko, and wait, may cat na binili si Kurt? Bakit hindi ko man lang alam iyon?

“Oo.. yung cat ni mommy from... Paris, oo.. sa Paris niya binili iyon kaya it's important sa kanya. Kaya lang, nabuntis ng cat ni Kurt. Kaya, we don't know what to do. Nag-usap kami na.. we just set a... Wedding.” huminga ako ng malalim at napapikit.

Mommy, sorry for this. Another pagsisinungaling na naman.

Nagulat naman si Calia sa explanations na ginawa namin ni Kurt. Sana mabenta ang pagsisinungaling namin. Magsesearch na talaga ako kung ano tawag sa mga cat na nasa Paris.

“Kaylangan talagang magpakasal? Pusa naman iyon, hindi kaylangan yun.” Calia chuckled.

I smiled softly. “Ganun ba?”

“Sige, kakausapin ko si tita mamaya. Let's go? Cafeteria tayo.” aya ni Kurt samin at nauna ng maglakad.

Inakbayan ako ni Calia at sumunod sa boyfriend niya. I breathe heavily. What a shame, I felt guilty, subra subra.

Nagpunta kami sa cafeteria, kagaya ng sabi ni Kurt. Gutom ako ngayon, because I forgot to eat my breakfast kanina. So, I ordered salad, vegetable salad. 

Umupo ako at nagsimulang kumain. Ganun din ang ginawa ng dalawa. Macaroni and cheese ang kinakain nila. Sa harapan ko sila umupo, at nagsimulang kumain.

Napaangat ako ng tingin. Napangiwi ako ng subuan ni Calia si Kurt, gamit ang tinidor niya. Ew, so cheesy.

“Seriously guys? In front of my salad? Yuck.” I said na para bang disgusted ako sa ginawa nila.

Tumawa si Kurt, and Calia giggled a little bit. Akala ko ay mahihiya sila sa ginawa nila, but I was wrong. Lalo pang lumapit sa isa't isa. Nagsusubuan at minsan naghahalikan. They're getting into my nerves, I can't take this anymore.

“Oh come on! Get a room guys.” I stand up, and walked away.

Iniwan ko ang vegetable salad sa table ko. I want to eat pa naman, pero nandidiri ako sa ginagawa nila.

Secretly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon