Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa kanila. Binigay ni daddy, or ni Peter ang microphone kay Calia.
Mukhang gulat na gulat pa siya. Ngumiti sya. Nakangising tumingin ako sa kanya. Nilibot nya ang kanyang mga mata habang nagsasalita, kinakabisado ang mukha ng mga taong nakikinig ngayon sa kanya.
Hindi nga ako nagkamali when our eyes met. Her face was shocked, I raised an eyebrow at her.
Nagtaka si daddy slash Peter dahil sa paghinto ni Calia sa pagsasalita. Tumingin si daddy sa gawi ko. Nagulat sya ng makita ako doon na nakaupo at taas kilay na nanonood sa kanila.
Lumingon ang lahat ng audience or should I called them, guest sa pwesto ko.
This is it, gusto nila ng magandang surprise? Ibibigay ko sa kanila, mas magugulat sila.
Tumayo ako ng makaisip ako ng magandang idea. Naglakad ako patungo sa stage, subrang agaw pansin ang suot ko ngayon. Ako lang kasi ang naiiba sa kanila, at mas lalo ng, ako lang ang may magandang mukha sa kanilang lahat.
“Daddy! Thank you for inviting me,” umakyat ako sa stage at nakipagkamay sa kanya. Alinlangan man, pero tinanggap nya parin iyon.
Bumitaw ako at bumaling ng tingin kay Calia na hanggang ngayon shocked parin sa nangyari.
“Wow! Congratulations bestfriend! I'm so happy for you.” nakangiting sabi ko sa kanya.
Nahalata niya na puno ng pagkasarcastic ang sinabi ko, pero tumahimik lang sya.
Niyakap ko sya pero hindi nya ako niyakap pabalik. Na starstruck ata sa perfume ko.
“Be happy.”
“Eunyka...”
I rolled my eyes at humiwalay ng yakap sa kanya. I can almost see the little tears in her eyes. Umiwas agad ako ng tingin. Cry! I don't fucking care. Playing victim? Wow!
“Diba, ikaw ang anak ni Peter?” nagtatakang tanong ng isang reporter.
Ngumiti ako at humarap sa kanya. Anak!? Kaya pala feeling ko dati na parang hindi kami magkamukha ni mommy. Hindi nya pala talaga ako anak, mas maganda kasi ako sa kanya.
“Sorry to burst your bubble! FIY, I am he's ADOPTED daughter.” nakangiti ako at tumingin kay daddy.
Gulat sya sa sinabi ko. Tumingin ako kay mommy na gulat din sa mga nangyayari. While Kurt, walang emosyon ang kanyang mukha, nakatingin lang directly sa mga mata ko. Did he knows? Pati ba naman sya!?
Nagulat ako ng lakad takbo ang ginawa ni mommy papunta sa stage. Lumapit sya sakin pero umatras ako. Napalingon ako sa paligid. Halos hindi na sila gumagalaw, nasa amin lahat ng paningin. I feel like we are in the theater.
“Baby...”
Napatigil ako ng magsalita si mommy. Wow! Grabe! Tumingin ako sa kanya. Baby and your big ass!? Seriously, may gana pa syang tawagin akong baby sa mga pinaggagawa nila sakin?
“I'm not your baby! Stop calling me baby! When I vomit here today because you called me that, may magagawa ka?” halos natigilan sya dahil sa sinabi ko.
“Stop what you are doing Eunyka.” bulong ni daddy na sa tingin ko kaming apat lang ang makakarinig.
Ngumiti ako sa kanya. “Why? Hindi pa nagstart daddy. Just wait.” inirapan ko sya.
I took the microphone in Calia's hand. Seryoso akong tumingin sa mga mata nya. Binigay nya sakin ang microphone na hindi man lang nagsalita. Aw, akala ko naman sasabunutan nya ako dito dahil nasira ko ang event nya.

BINABASA MO ANG
Secretly Married
Fiksi UmumThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖