04

473 10 0
                                    

Oh shoot! My head.. ang sakit!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga habang naka hawak sa sentido ko.

Natandaan ko lang ang pag-inom ko kasama si Calia, tapos.. wala na! Naka tulog na agad ako.

Kumunot ang noo ko. Nandito na ako sa kwarto ko.. wait, sino nag-uwi sakin!? Agad kong tiningnan ang suot ko. Naka hinga ako ng maluwag, dahil suot ko parin ang damit ko kagabi. Mahal ko pa ang bulaklak, ayuko pa siyang madiligan ng tubig na malapot.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napalingon ako doon. Pumasok si Kurt na masama ang tingin sakin, bitbit niya ang tray ng pagkain. Lumapit siya sakin kaya nakita ko ang laman ng bitbit niya.

Fried rice, soup, milk, water, bacon, and scrambled egg.

Tumingin ako sakanya at ngumiti.

“Kainin mo yan.” masungit na sabi niya.

“Ikaw nag-uwi sakin?” I ask him using my soft voice. “Ang bait talaga nito.”

Ngumiti ako sakanya. Baka nga siya ang nag-uwi sakin dito sa condo.

He crossed his arms over his chest. Tumaas ang kilay ko. Ang sungit sungit naman, menstruation niya ata ngayon.

“Kumain kana.” he raised a brow. “Akala ko ba naman hindi ka iinom ng maraming beer dahil lalaki ang tyan mo? Tapos, uminom ka parin ng marami.”

I pouted. Kasi nga, the drinks pala is so yummy sa mouth. Kaya naganahan akong uminom.

Umupo siya sa dulo ng kama ko, kaya napayuko ako.

“Masakit yung ulo?” tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at tumingin sakanya. Tumango ako at ngumiti.

“Maganda 'yan para matauhan ka.” seryosong sabi niya ulit.

Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi niya. What the fuck! Akala ko bibigyan niya ako ng gamot!

“Nakakainis ka!” I shouted.

Kumuha ako ng unan at binato sakanya. Inilagan niya naman iyon, kaya lalo akong nainis.

Tumawa siya at lumapit sakin. Umupo siya sa gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Kainin mo lahat yan.” He said.

Lahat 'to? Tataba ako dito!

“Ayuko! Uminom ako ng beer last night.. baka maging big ang tummy ko!” I said while holding my tummy.

“Baka maging big ang tummy ko.” he said at ginaya pa talaga ng boses ko. “Kasalanan mo naman yan. Kumain ka!”

Edi wow! I just rolled my eyes at tumingin na sa pagkain. Ano kaya ang kakainin ko dito?

Kumunot ang noo ko ng mapansin ang soup na hindi pamilyar sa paningin ko.

Kinuha ko ang bowl ng soup at iniharap sakanya.

“What's this?” I asked him.

Kinuha niya ang bowl sa kamay ko at nilapag ulit sa tray.

“Radish soup.” kaswal na sagot niya.

May hangover ako, tapos radish soup? Seryoso siya!?

Bakit radish soup ang ipa-eat mo 'sakin!?” taas kilay kong tanong sakanya.

Secretly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon