15

563 13 0
                                    

MissJanniee: matagal din akong walang UD. Kaya ito guys! Pambawi! Mahaba-haba yan, mas mahaba pa sa pagmamahal mo sa kanya, pero hindi nya masuklian :D comment comment din about sa saloobin nyo sa story. Anong masasabi nyo? Nakakalunod ba yan!? Comment.

COMMENT, VOTE AND FEEDBACKS ARE HIGHLY APPRECIATED :D

—•—

Nakahawak lang ako sa pintuan ng car ko. Umiiyak at hindi na alam ang gagawin. Ang sakit! Minahal ko silang lahat pero niloko nila ako, sinungaling sila!

“Eunyka!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumatakbo si Kurt patungo sa gawi ko. I want to get in the car and leave him here but I can't.. Hindi ko maihakbang ang mga papa ko.

“Why are you here!? Umalis ka!” I shouted at him.

Lumapit sya sakin. Lungkot ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata.

“Please, let me explain...” he said using his soft voice.

Hahawakan nya na sana ako pero umatras ako. Explain!? Halos araw araw kaming magkasama sa loob ng condo unit namin, pero ngayon pa sya mag-explain sakin? Anong klaseng mindset yan!?

“Explain what!? K-Kurt...” huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. “You know all of this, right?”

Tumango sya ng dalawang beses bilang sagot, na kinatigil ng mundo ko. My knees almost weakened dahil sa sagot nya.

Si Calia pa lang, ang sakit sakit na. Tapos sya!

“Please... Eunyka, let me explain... Please.” halos lumuhod na sya sa pakikiusap na pakinggan ko ang explanations nya.

Umiling ako. “No! I don't want to hear your kasinungalingan Kurt! Go away! Leave me alone please!”

Napayuko na ako at humagulgol sa harapan nya. This time, hindi nya ako niyakap. He just let me cry in front of him.

Nag-angat ako ng tingin ng marinig ang tunog ng takong ng high heels. Tumatakbo si Calia patungo samin, umiiyak sya. Umiwas ako ng tingin. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ng pigilan nya ako. Napatingin ako sa kamay nya na humawak sa likuran ng kamay ko.

I quickly took my hand and walked away from her.

“E-Eunyka...” bumuhos ang luha nya mula sa kanyang mga mata.

Subrang sakit ng makita ko syang ganito. Pero sya ba, inisip nya din ba minsan ang kalagayan ko o yung nararamdaman ko!? Hindi! Nagsinungaling ako sa kanya, oo pero, handa akong sabihin sa kanya iyon, pero sya... Grabe ang pagsisinungaling nya sakin.

Tumaas ang kilay ko at humarap sa kanya. “A-Alam mo ba ang lahat ng ito... D-Dati pa lang, Calia?”

“E-Eunyka...”

“Answer my question, tangina!” pasigaw na sabi ko sa harap nya.

Tumango sya limang beses at lumuhod. Umuwang ang labi ko at hindi makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. She knows everything! She knew I was adopted but she did not tell me! Why!?

“E-E-Eunyka, I'm sorry...” tumingin sya sakin. “S-S-Sorry... Patawarin mo sana ako...”

Hindi ako nagsalita. Nilapitan ni Kurt ang girlfriend nya at pinatayo ito. Ayaw pa ni Calia noong una, pero tumayo nadin ng maramdaman seguro ang pagkasakit ng tuhod nya.

Akmang bubuksan ko ulit ang pintuan ng kotse ko para umalis at iwasan ang pagdadrama nila dito pero pinigilan ulit ako ni Calia.

Hindi ako lumingon at nakatayo lang sa pintuan ng kotse ko.

Secretly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon