“Kamusta pala lakad niyo ni Kurt?” tanong ko kay Calia ng magkita kami dito sa cafeteria.I'm confused nga kasi. Baka may sinabi si Kurt sakanya.
I ordered coffee again, and Calia ordered macaroni. She loves eating macaroni, ay hindi pala, Calia love foods. Kahit ano namang pagkain kinakain niya.
Naghanap kami ng pwesto para doon maupo. Napili naming dalawa ang malapit sa exit door ng cafeteria. Bawal daw kasi siyang malate sa susunod na class niya.
Huminga siya ng malalim at tiningnan ako, ngumiti siya pero hindi abot sa kanyang mga mata.
“Okay lang... Pero minsan, tulala siya kapag kinakausap ko.” Nakangiti siya but, I can see the sadness in her eyes.
What!? Kurt did that!? Sabi ko pa naman sakanya na wag siyang tulala kapag kausap bestfriend ko. Mabilis malaman ni Calia kung nagsisinungaling ang kausap niya.
And then Kurt did tulala while kausap si Calia? He probably out of his mind.
“He do that?.. I mean..” I cleared my throat. “Pano mo naman nasabi yan?”
I smiled to hide my kinakabahang face. Wait, bakit ba kinakabahan ako? Eunyka, just relax, nothing will happen.
Kumunot ang noo niya at yumuko. “I don't know.” nilaro niya ang kanyang pagkain gamit ang kanyang tinidor. “Hindi ko na alam kong ano ang tumatakbo sa isipin niya.”
I want to kill Kurt right now. Tangina... I don't know what to do kapag nalaman ni Calia. I'm not ready for this.
Nagring ang bell kaya dali-dali niyang inubos ang kinakain. Hindi naman ako nag-abala pang ubusin ang coffee ko. Duh, pwede mo namang iwan kahit may laman. I don't know lang kay Calia, she's so matakaw talaga.
Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Nilapitan niya ako at mabilis na niyakap.
“Kaylangan ko pang magpasa ng mga activities ko kay sir. Hindi pwedeng malate, ingat ka. Bye.” she said while smiling.
Tumango naman ako at ngumiti. Patakbo niyang tinungo ang exit door ng cafeteri. Tumayo na ako ng makaalis siya. Alam ko naman na wala pa ang prof naming kalbo, late yun parati. So, I decided na puntahan nalang si Kurt.
He pay for this.
Mabilis kong kinuha ang Chanel kong bag na nasa kabilang silya lang na malapit sakin. Naglakad ako palabas ng cafeteria, I stop ng may maalala.
I don't know kung saan siya ngayon. Kinuha ko ang phone ko para e-text siya.
To: Kurt
Where are you?
Pangalan lang namin ng isa't isa ang nakalagay sa contact name. Minsan kasi hinihiram ni Calia ang phone niya. Kapag naman si mommy ang humirap ng phone ko, pinapalitan ko agad ang name niya. 'Husband' yan ang nakalagay para hindi siya magtaka. Tumanog ang phone ko kaya napatingin ako doon.
From: Kurt
Covered court.
Nilagay ko sa bag ko ang aking phone. Nagsimula na akong maglakad para puntahan siya. Nasa gilid ng parking lot ang covered court, malayo sa building ko ang covered court at mas malayo sa building ni Calia.
It's so mainit. Bakit ba kasi dito pa naglalaro ng bola si Kurt? Nakakainis. From now on, I hate this place.
Tumunog ang phone ko kaya napahinto ako sa paglalakad at kinuha ito mula sa bag.
From: Kurt
Asan ka? Puntahan nalang kita.
Napairap ako ng mabasa ang text niya. Great! Just great. Bakit ngayon niya lang naisip iyan? Seriously? Malapit na ako sa covered court, ngayon niya lang natext iyon? I hate him.
To: Kurt
No need. Malapit na ako dyan
Napabuga ako ng hangin at nilagay nalang ang phone ko sa bulsa.
Masama ang mukha ko ng makapasok ng covered court. Nakita ko si Kurt sa gitna, playing basketball, alone.
Napahinto siya sa pagshoot ng bola ng makita ako. Naka taas ang kilay ko at lumapit sakanya.
“Doctor Kurt Joshua Dmitri... You need to apologise.” I said using my mataray voice.
Kumunot ang noo niya at ngumiti. He showing his white perfect teeth to me again. Well, last time nauto niya ako gamit iyan, but not this time.
“Why? Wala naman akong ginawang masama.” he said while laughing.
At talagang pinagtatawanan niya ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a white plain v-neck shirt, black jersey short, knee support, and his black sneakers with white socks na may pangalan ng brand ng Adidas.
Nahinto ang paningin ko sa suot niyang red bracelet. Wala siyang ibang suot na bracelet kundi iyon lang. Bigay ko ang bracelet na suot niya ngayon, noong birthday niya. I'm confused.
Tinaas niya ang kamay niyang may nakasuot ng red bracelet ng makita niya akong nakatingin doon.
Tumingin ako sakanya ng may pagtataka.
“Bigay mo ito diba?” ngumiti siya ng husto at tinitigan ako sa mga mata. “Ano nga ulit ang kasalanan ko sayo?”
Napailing ako at umiwas ng tingin sakanya. Nakakainis, gusto ko siyang murahin dahil sa pagngiti niya. He always giving me a hard time. Bakit ba kasi ang cute niyang ngumiti? Napapawi tuloy ang inis ko sakanya.
Wait, what!? Why I am thinking this? He's not cute, and he's not handsome, yeah, he's not attractive to my eyes.
Binatukan ko siya dahil sa inis. Tumawa naman siya ng malakas dahil sa ginawa ko.
“Hindi mo ako madaan sa ganyan mo ha! Nakakainis ka.” mataray kong saad sabay hampas sa braso niya. “What if malaman ni Calia, ha!? Are you out of your mind?”
Nawala ang kaninang ngiti niya at napalitan ng seryosong mukha dahil sa sinabi ko. Siya naman kasi ang may kasalanan, hindi siya nag-iingat.
“Pano nga kapag malaman niya?” seryosong tanong niya.
Napatigil ako. Pano nga kapag malaman niya? I'm not ready, alam na alam ko iyon. Ayukong mawala ang bestfriend ko sakin, I love her very much. Pero... Ack, nakakainis.
Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya. “I know naman na Calia will understand, right? She understand naman.”
Maraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko. I hate everyone, they're giving me a headache.
Binitawan niya ang bola at hinawakan ang balikat ko. Kumakalma ang mukha niya at ngumiti ulit.
“Hindi naman kasi tayo ang may pakana ng kasal na iyan.”
“Kaninong kasal?”
Napalingon ako sa entrance door ng covered court. Naistatwa ako sa pagkakatayo, ramdam ko ang kaba ni Kurt sa aking gilid.
“Calia?”
—————— to be continued...

BINABASA MO ANG
Secretly Married
Fiction généraleThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖