“Sasusunod kapag wala ako. Bumili ka na lang ng lutong pagkain. Para hindi ka magutom, at kung ano-ano pa ang masabi mo.” nilapag niya ang abodo sa dining table.
Sumulyap siya sakin. Naka upo lang ako at nanonood sa mga ginagawa niya.
Kainis kasing Justine nayon. Mukhang niloloko at pinagtripan niya lang ako, pero uto-uto naman ako at sinunod pa siya!
“Bakit mo ba nasabi 'yon? Nag mumukha kang dalagang pilipina na nanggaling sa lumang panahon.” naka kunot noong tanong niya.
Kasi naman! He think he's funny? I hate him na talaga. Akala ko seryoso na talaga siya! Wala talaga siyang kwentang kausap!
Umiling ako at nag simulang kumain. Kumuha ako ng kunting fried rice at nilagay sa plato ko. Kumuha nadin ako ng madaming adobo, masarap mag luto si Kurt. Akala ko nga nung una, HRM ang course niya, pero medical pala.
Nag simula na din siyang kumain kaya napa tingin ako sa kanya. Bakit ko naramdaman 'to? Ang kapal naman ng mukha kong maganda. Mahal na mahal niya si Calia at alam kong... Wala akong mapapala sakanya. Pero bakit? Kainis naman eh!
“Kurt?” pag tawag ko sa atensyon niya.
Nag-angat siya ng tingin at tumingin sakin. He raised his brow.
“Maarte ba ako?” I asked him directly.
Nilunok nya ang kanyang nginunguya at maayos na uminom ng water.
Well, I'm just asking lang naman. Kasi diba!? Maarte raw ako sabi nung human animal na Justine na 'yon. Baka hindi maarte ang tingin nya sakin, sinabi lang ni Justine 'yon para mainis ako.
“Hindi.” he answered.
Oh! Diba! Hindi raw siya naartehan sakin. Pahamak lang talaga ang Justine na 'yon!
“Why?” tanong ko.
Napa isip siya ng sasabihan. Bakit ngaba hindi 'sya naaartehan sakin? 'hindi ako naaartehan sayo, kasi mahal kita.' charot.
Assuming masyado.
“Tingnan mo nga...” sabi niya sabay turo sa pinggan ko. “Kinain mo yung niluto ko kahit hindi ako nag huhugas ng kamay.”
Halos lumaki ang mga eyes ko sa sinabi niya. Hindi siya nag hugas ng kamay niya!? Galing siyang practice tapos hindi siya nag hugas ng kamay!? Marami kayang germs ang dumidikit sa basketball ball, tapos baka malipat sa pagkain, at mapunta sa katawan ko!
Mag sasalita pa sana ako pero bigla siyang tumawa ng malakas. Naka hawak siya sa kanyang tyan, tinuturo pa ako habang tumatawa.
“Kung makita mo lang talaga ang reaction mo matatawa ka talaga...” he laughed so hard. “Relax ka lang. Naligo ako bago pumunta ng kusina.”
Tsk, overacting again Eunyka!
Napa iling ako at tinuon ang paningin sa pag kain. Kainis! Ang seryoso ng question ko tapos puro kalokohan ang answer nila!
“Seryoso nga kasi.” I whispered.
Napa tingin ako sa kanya ng lagyan niya ng adobo ang plate ko. Paabos na kasi ang adobo ko, kaya seguro nilagyan niya. Hindi niya ginagawa 'to sakin... Baka akala niya ako si Calia.
“Totoo... Para sakin, hindi ka maarte.” ngumiti siya at tumango. “Wag ka na lang mag tanong kong bakit, basta... Para sakin hindi ka maarte.”

BINABASA MO ANG
Secretly Married
General FictionThis story is available on Dreame! Meron akong maraming dinagdag sa bawat chapters, kikiligin ka lalo, and meron akong special chapter na ginagawa para rito. Thank youuu for supporting me to reach my goals. I love youu guys so much💖