05

476 11 0
                                    


“Are you okay? You look pale.” bungad na tanong ni Calia sakin ng maka salubong niya ako sa hallway.

Tumango ako at ngumiti sakanya bilang sagot. Okay naman talaga ako! I'm super duper ultra fine!

Dinig ko ang tawa ni Nathalie mula dito sa pwesto ko. Tulad kahapon, nasa gitna parin namin ni Nathalie si Calia. Sarcastic pag dating sakin ang tawa niya, why!? Problema niya sa dyosang maganda na tulad ko!? Sa mukha ko ba ang problem niya? Duh, sorry nalang siya. I was born na maganda, dyosa, head to toe!

“Ikaw Eunyka...” Nathalie said while looking at me. “Hindi ko man lang narinig sa mga chismis na may boyfriend ka. May boyfriend ka ngaba?”

Tinaasan ko siya ng kilay.

Anong pake niya sa lovelife ko!? Hindi naman kami close para malaman niya.

I rolled my eyes. “Pake mo?”

Umiwas agad ako ng tingin at kinuha ang phone ko sa bag, para malaman niyang ayaw ko siyang kausap.

Calia hold my arm. She knows kasi na hindi ko bet itong walking clown na 'to. Well, sino ba kasi ang mag kakagustong maging kaibigan yan!? Si Calia. Calia is so mabait kaya seguro hindi niya matanggihan si Nathalie na sa tingin ko ay feeling close lang sakanya.

“Busy kasi sa pag-aaral si Nyka. Study first 'sya, ayaw niyang matanggal sa DL.” Calia said.

Yes, I'm a DL. Mabuti nga iyon, para malaman ng walking clown nayan.. na hindi lang ako maganda matalino pa. Eh siya!? Sa mukha pa lang going down na.

Taas kilay akong tumingin kay Nathalie para malaman ang reaction niya.

Nag paalam siya na papasok na sa class niya. Bago 'sya pumasok sa kanilang room na nadaanan namin kanina, tumingin 'sya sakin, kaya nag tama ang paningin namin.

Ngumiti 'sya sakin at pumasok na. Kumunot ang noo ko sa ngiti niya. Pansin kong makahulogan 'iyon, at hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin.

Relax Eunyka, iniinis kalang 'nyan.

Nakikinig kami sa mahabang lectures ng prof namin. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Naka lutang kasi sa sky ang brain ko.

Hindi parin maalis sa brain ko ang sinabi ng walking clown kahapon at itong naramdaman ko.

Bakit ko siya magustuhan? Hindi tama, hindi nararapat at hindi pwede.  Bakit ako nasaktan ng ganun!? I have new bags from different designer brands. Branded sandals from U.K, branded clothes, branded makeup sets, and even branded accessesories. So, dapat lang sumaya ako. Andito lahat sakin ang gustong makuha ng mga babae dito sa YSU. Pero... bakit ramdam ko parin ang lungkot? Hindi pwede.

“You're alone? Why?”

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Justine. Basketball captain ng YSU. Kilala ko ang tinig niya dahil naka landian ko 'to dati. When I was... I think first year, I guess.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang naka upo sa harapan ko. Tumaas agad ang kilay ko.

“Obvious ba!?” pag tataray ko.

He closed his arms over his chest at seryosong tumingin sakin. Tsk, alam ko namang hindi tinatablan ito ng masungit na attitude ko. Siya paba!? Mas masungit pa ito sa babaeng may mensuration.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa cup of coffee ko na nasa table.

“Are you busy?” tanong niya.

Secretly MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon