zhachilala16 reyesjoanah kudoraniechan mariyapein DianaAntonio1 binibimarie missynn VeniceRespicio2 DesciaVaflor4 jemamah isiaheon Alexajanelazaro24 malyradaep regineadrales wattagoalxxxCathElite
Tatlong taon na simula ng iwan kami ng ina ko sa ibang lalaki. Hindi ko naman magawang sisihin ang ina ko dahil sa pang-iiwan niya sa amin. Sobrang mahal ko siya at hindi mawawala sa akin yun bilang isang anak. Sa loob ng tatlong taon na yun nakita ko kung gaano nasaktan ang ama ko.
Ipinapakita niya sa amin na ok lang siya pero ang totoo ay hindi niya magawang kalimutan ang ina ko. Sobrang mahal na mahal niya si Nanay pero hindi ko siya narinig na nagalit o sumbatan ang nanay ko.
Nang mga bata pa kami ng mga kapatid ko ay paglalabada lang ang trabaho ng nanay ko kaya naman tinutulungan ko ito. Ako ang nagbabanlaw ng mga labahan habang siya naman ang nagkukusot. Hanggang sa naisipan nitong mamasukan bilang katulong doon na nangyari ang hindi namin inaasahan.
Nagising na lang kami isang araw na hindi na namin ito mahagilap at nalaman na lang namin na may inakasama na itong iba. Masakit para sa amin yun pero wala kaming magawa dahil nangyari na eh tapos na.
"Ms. Abogatal paki pirmahan naman po to kay sir." nakangiting inabot ko naman sa kanya ang folder na hawak hawak nito.
"Sige balikan mo na lang mamaya nasa meeting pa kasi siya." sagot ko kay Leica.
"Ok lang... sige mauuna na ako madami pa akong gagawin." tumango na lang ako sa sinabi nito at nagpaalam na bago siya umalis.
I'm Marilou Lorejo Abogatal nag tatrabaho bilang isang secretary sa isang companya. Mahirap ang naging buhay namin kaya nagsumikap ako sa buhay.
Abala ako sa pagtitipa sa computer ng dumating na si Sir. Jose may katandaan na ito pero kayang kaya niya pa ring gawin ang trabaho niya.
"Na review ko na po itong mga report Sir, approval niyo na lang po ang kulang." ani ko at nilapag ko sa table niya ang mga folder na kailangan ng approval. Inilahad ko sa kanya ang folder na ibinigay ni Leica sa akin. "Kailangan niyo din po itong pirmahan sir."
"Ngayon ba ang birthday ng pinsan mo?" tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango sa sinabi nito.
"Yes po sir." magalang kong sagot sa kanya. Inabot niya sa akin ang folder na pinapirmahan ko sa kanya.
"Maaga akong uuwi ngayon kaya papayagan kitang umalis ng maaga ngayon. Madami ka ding ginagawa simula noong nakaraang araw kaya mag-enjoy ka din mamayang gabi."
"Talaga po sir? Nako maraming salamat po!" masaya kong tugon sa kanya. Yumuko muna ako bago umalis.
Nagtext din ako kay Rhea na makakapunta ako sa birthday niya mamaya. Dumaan ang ilang oras at nauna ng umuwi si boss kaysa sa sakin.
Inayos ko na din ang mga gamit ko nagtext na din sa akin si Rhea na nasa labas na ito ng building kaya nagmamadali akong bumaba.
"Ingat po sa paguwi ma'am." ngumiti naman ako sa guard.
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
Non-FictionI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...