JJREGA JV_jasmine geelynjing heartizzy nyyyyyx MadamoisslePelove luxfrous sopppiyaa AteKyyy Tindlcrz_ chimbal_02 ARMIAM ellagirl2704
Marilou POV
"Gaga ka so may nangyari ba sa inyo?!" hinampas pa ako ni Rhea sa balikat dahil nalaman niyang nakatira ako ngayon sa apartment nila Charlito.
Napairap naman ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Ni wala pa nga kaming relasyon tas may nangyari na agad?!
"Wala ngaa! Paulit-ulit ka naman eh saka tinutulungan lang ako nung tao. Isa pa hindi naman kami magkatabi sa kama may sarili akong kwarto doon at nagbabayad ako ng renta." turan ko sa kanya. Gusto pa nga sana ni Charlito na siya na ang magbayad ng renta ko pero tumangi ako sa alok niya.
Ang kapal naman ng mukha ko kung papayag ako may sapat pa naman akong perang natira kaya hindi ako pumayag at kung wala naman akong pera kay Rhea ako hihingi hindi sa kanya.
"Insan alam ko na gusto ka nung mokong na yun. Mabait siya ilang taon ko na din yung kaibigan dito sa manila kaya mapagkakatiwalaan siya. Hindi lang yun taga Cebu din siya ano pa bang mali doon? Matinong tao naman si Charlito kita mo nga inaalagaan kana niya kahit hindi pa kayo."
Napaisip ako sa sinabi niya tama siya wala pa ngang kami pero tinutulungan na niya ako sa mga problema ko. Pero kahit na ganon hindi ko pa rin maiwasan na matakot na pumasok sa isang relasyon. Pagpumasok ako sa isang relasyon na hindi pa ako handa baka pagsisihan ko sa huli yun o kaya masaktan ko siya ng dahil doon.
Nahalata naman ni Rhea ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya tinapik niya ang balikat ko. "Pag-isipan mo ng mabuti yan Marilou hindi naman kita pipilitin sa hindi mo gusto pero sinasabi ko sayo sayang si Charlito. Pag yan nakahanap ng iba saka mo lang maiisip na sinayang mo siya."
Ipinilig ko na lang ang ulo ko dahil sa sinabi ni Rhea. "Mas mabuti na yun kaysa naman masaktan ko yung tao." ani ko sa kanya pero nakatanggap ako ng batok sa kanya. Napa-aray ako sa ginawa niya kaya tinignan ko ito ng masama.
"Bakit ka ba nambabatok?!" singhal ko sa kanya.
"Para matauhan ka! Gaga sa tingin mo hindi pa siya nasasaktan sa ginagawa mo? Pinagtatabuyan mo kaya yung tao pagkatapos ka niyang tulungan. Ewan ko sayo tatanda ata ako ng wala sa oras dahil sayo." naiiling nitong kinuha ang bag niya.
"Bago pa sumakit ang ulo ko ng dahil sayo aalis na ako. Umuwi kana din mag gagabi na alam mo naman dito sa Manila uso ang mga masasamang tao." ni hindi man lang niya ako pinasagot dahil iniwan na niya akong mag-isa sa café.
"Bakit ba hindi na lang ako nasanay?" naiiling kong anas sa sarili ko. Mahirap talagang magkaroon ng pinsan na baliw alas sais pa lang ng hapon at talagang magagabihan ako sa pag-uwi sa apartment na tinutuluyan ko ngayon dahil malayo ang café na pinuntahan namin ni Rhea.
Mas malapit kasi dito ang bahay ni Rhea kaya dito kami napadpad ewan ko din sa babaeng yun gusto pa ng kape eh hapon na. Sa totoo lang ayoko pang-umuwi dahil nahihiya pa rin alo hanggang ngayon kay Charlito pero wala din namang saysay kung iiwasan ko siya dahil sa huli magkikita at magkikita kami.
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
Non-FictionI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...