tanyacfr tycalix Shainable TinangTinang7 Rosas_Roses Reajanedadivas Keereighn ShellyAnnAgron1 RenzyNisay3 parknicolecutamora HENERALDGE Monique1318 jade_julaton
Marilou POV
"Opo ako nga po, kamusta po yung anak ko doc?"
"We ran some test and we found out that your son have a heart failure." kumunot ang noo ko.
"Failure heart? Malusog naman po ang anak ko doc wala din sa lahi namin ang may sakit sa puso—" naalala ko ang sinabi sa akin ni Charlito na may sakit sa puso ang ama nito.
"Bakit po nagkaroon ng heart failure ang anak ko doc? Inaalagaan ko po siya ng maayos." mangiyak-ngiyak kung ani sa doctor.
"May bradycadia o tinatawag na cardiac arrhythmias ang anak mo kaya mabagal ang pagtibok ng puso ng anak niyo na humantong sa heart failure. Makakaramdam din ang anak mo ng chest pain, panghihina, pagkahilo at paghirap sa paghinga. Kung maramdaman niya ang mga ganitong symptomas agad niyo siyang dalhin dito sa hospital."
"Namamana po ba yung sakit na yan doc?" tanong ko sa kanya.
"Pwedeng na mana niya ang sakit o pwede ding nadala na niya ito habang nasa sinapupunan mo pa lamang siya. Hindi din agad nakita ang symptomas dahil kagaya ng sinabi mo inalagaan mo siya ng maayos. Mas makakabuti sa bata kung mamomonitor niyo siya."
Nanlulumo ako sa nalaman ko saan ako kukuha ng malaking pera para sa maintenance ni Charles? Walang wala pa ako ngayon madami din akong mga babayaran pero mas mahalaga sa akin ang anak ko.
Nagpaalam na ang doctor sa akin na may aasikasuhin pa siya kaya nagpasalamat ako dito bago ito umalis. Nanghihinang napaupo ako sa waiting area, agad namang hinagod ni Tatay ang balikat ko.
"Wag kang mag-alala nak manghihiram muna ako ng pera sa kumpare ko—"
"Tay alagaan niyo po ang anak ko." pagpuputol ko sa sasabihin ni Tatay. Nakakunot naman ang noo ni Tatay na nakatingin sa akin pero agad akong umiwas ng tingin.
"Anong ibig mong sabihin anak? Anong binabalak mong gawin?" tanong sa akin ni tatay.
Hinawakan ko naman ang kamay nito ang malungkot na ngumiti sa kanya. "Tay sa tingin ko kailangan kong mag DH para sa anak ko, hindi naman pwedeng puro utang na lang tayo isa pa paano natin lahat mababayaran mga utang natin? Lalo na ngayon kailangan ng anak ko ng gamot."
"Paano ang anak mo? Paano mo ipapaliwanag sa kanya na kailangan mong umalis, diba nangako ka na hinding hindi ml iiwan ang anak mo." tumulo ang luha ko sa pisnge ko pero hinayaan ko lang yun.
Sobrang hina ko talaga pagdating sa anak ko pero siya din naman yung nagiging lakas ko lalo na kung nahihirapan na ako ng sobra. "Alam ko po yun tay pero hindi naman po ako mawawala eh. Lagi naman po akong tatawag sa kanya ginagawa ko po to para sa anak ko tay hindi para sa sarili ko kaya tay please alagaan niyo po yung anak ko." niyakap ako ni tatay hinagot niya ang likod ko.
"Shhh tahan na kahit hindi mo naman sabihin na alagaan ko ang apo ko gagawin ko pa rin naman yun dahil mahal ko siya mahal ko kayo ng apo ko. Sa ngayon kailangan na muna nating alagaan ang anak mo ako na din muna ang bahala sa gastusin dito sa hospital."
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
No FicciónI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...