KimaprilLacham0 frownmachine cbluelove Beklushhh kynth0808 ajlualhti08 NerezaEsteves sighreal_
Marilou POV
"Ms. Abogatal may nagpapabigay po." tawag pansin sa akin ng receptionist. Nagtungo naman ako sa kanya at kinuha ko ang boutique flowers.
"Kanino daw galing?" tanong ko sa kanya.
"Nako hindi po kasi sinabi yung pangalan ma'am eh pero ang sabi niya kilala mo daw siya." napatingin ako sa hawak kung bulaklak.
"Sige maraming salamat." ngiti kong sabi bago umalis para magtungo sa office ko. Sinuri ko ang bulaklak kung may note card ba pero walang nakalagay na kahit na isa. May hinala na ako kung sino ang may bigay nito pero hindi naman pwede na maniwala lang ako sa hinala ko.
Tumunog naman ang cellphone ko tanda na may nagpadala ng mensahe sa akin. Tinignan ko naman yun perp unregistered ang number
pinindot ko naman ang message.Unknown number
Hi, Marilou sana nagustuhan mo yung bulaklak si Charlito ito.
Hindi ko naman naiwasan na mapangiti dahil siya nga ang magbigay sa akin ng bulaklak. Agad akong nagtipa ng mensahe.
To: Unknown number
Oo nagustuhan ko siya... salamat dito Charlito.
Sinave ko na din ang number ni Charlito sakto naman na bumukas ang elevator. Agad na akong pumunta sa office ko para gawin ang trabaho ko. Naalala ko kinuha ko pala ang number ni Charlito kay Rhea pero agad ko ding binura yung mensahe sa akin ni Rhea kahapon.
Bigla kasing nag bago yung isip ko eh.
Habang nagtitipa ako sa computer ay paminsan-minsan napapasulyap ako sa bulaklak na binigay sa akin ni Charlito. Ewan ko ba sa sarili ko lagi naman akong nakakatanggap ng bulaklak dati pero bakit ngayon parang kinikilig ako?
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala yun sa isipan ko. Nagkataon lang siguro to matagal tagal na din kasi simula ng may manligaw sa akin.
"Ms. Abogatal please come to my office." tawag sa akin ng boss ko sa intercom. Mabilis ko namang inayos ang sarili ko.
Kumatok muna ako sa pintuan ng office ng boss ko bago pumasok. "May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"I'm sorry to disturb you Ms. Abogatal. I have a lunch meeting with Mr. Marcelinho but I don't think I can handle it so I wounld like you to go with the lunch meeting." may inabot siya sa aking folder.
"I'm counting on you Ms. Abogatal." kinuha ko naman ang hawak hawak nito at yumuko sa kanya.
"Maasahan niyo po ako Sir." nagpaalam na ako sa kanya may isang oras pa ako bago mag alas dose ng tanghali pero mas mabuting mauna na ako sa meeting place kaysa naman sila ang maghintay sa akin.
Dala-dala ko ang sling bag ko at nasa kamay ko naman ang folder na naglalaman ng mga documents at papeles na kailangang tignan ni Mr. Marcelinho.
Naghihintay ako sa labas ng company building namin ng taxi at ng may makita ako ay agad ko itong pinara.
"Saan po kayo ma'am?" tanong ng driver.
"Sa Bedia's Restaurant po." Sikat ang Bedia Restaurant dito dahil tanging mayayaman lang ang nakakapunta doon.
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
Non-FictionI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...