Chapter 9

21 6 1
                                    

achinaaakiiiii acireennahs TrishaAbegailDiputad MissLynLyn1  ryvilie imshasy _kairu Liyaaa206 angelallarenas26 Jeennyrie ariiwin Zendallia jelous03 nclesure AlGera_11 ashtieee itzaster mshisil

Marilou POV

"Nako teh hindi ka pa rin nakakamove-on hanggang ngayon? Eh ang tagal-tagal na yun ah?"ito na naman tayo sa panenermon ng kaibigan ko na si Belen

"May anak kami Belen saka normal lang naman siguro sa akin na hindi pa nakamove-on diba?" nandito kami sa pharmacy na pinagtatrabahuhan ko. Nakahanap na din ako ng trabaho dito na sasapat para sa pamilya ko.

"Gaga anong normal doon eh halos nine years ka nang nagmomove-on ang laki-laki na din nag anak mo tapos umaasa ka pa na babalikan ka nung hilaw na yun." ngumiti na lang ako sa kanya. "Saka hindi ka naman nakakasiguro kung may asawa na siya ngayon diba. Ang tagal-tagal na nun malabong wala pa siyang asawa't anak."

Tama siya halos nine years na din akong nagmomove-on pero mahirap eh lalo na may anak kami. Simula nung araw na sinabi niya sa akin na pinapalaya na niya ako wala na akong balita. Hindi ko din sinubukan na bumalik sa bahay nila. Sumasagi din sa isipan ko na baka nga may pamilya na siya ngayon. Na ipinagpalit niya kami sa iba nang anak ko pero ayokong manghusga dahil kahit papaano alam kung hindi ganong tao si Charlito.

Naging masaya kaming dalawa kaya nga nagtagal kami kahit na ayaw sa akin ng pamilya niya. Itinaguyod niya ako dati, habang pinagbubuntis ko pa lang ang anak namin ay namasukan siya bilang security guard para matustusan ang pangangailangan naming mag-ina kaya alam ko na hindi ganong tao si Charlito.

Maniniwala lang ako kung nakita mismo nang sarili kong mga mata na may pamilya na nga siyang iba.

Kahit na gusto kong pumunta sa bahay nila para malaman kung anong kalagayan ni Charlito dahil alam ko na may communication sila nang pamilya niya. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nangako ako.

Kahit na walang-wala ako hindi ako pumunta sa kanila para manglimos ng pera tinupad ko lahat ng sinabi ko sa sarili ko na itataguyod ko ang anak ko. Kahit na mahirap kinaya ko para sa anak ko siya na lang ang alala na meron ako kay Charlito.

Hindi naman sigurong masama na umasa ako na balang araw mabubuo din yung pamilya na binuo namin.

"Bakit ba hindi mo sinasagot si Jomar... mabait naman siya ah saka tagal na din niyang nanliligaw sayo. Bahala ka dyan mamaya mahanap siya ng babaeng mamahalin niya." nagbuntong hininga na lang ako saka ko siya tinignan.

"May anak ako, saka bakit ba butong-buto ka kay Jomar?" ayun lang ang tugon ko sa kanya.

"Lagi mo yang sinasabi lalo na kapag pumupunta dito si Jomar. Alam mo teh sarap mong iuntog sa pader para matauhan ka na hindi ka na babalikan mg Charlito na yun. Saka alam mo naman kung bakit ako boto sa lalaking yun. Mabait, masipag, may isang salita at mahal na mahal ka." may customer na kaya naman inasikaso ko na ito. Hindi ko na lang pinansin si Grethel at nagtrabaho na lang ako. Pero dahil may lahing makulit ang kaibigan ko wala akong magawa kung hindi ang pakinggan ang mga sinasabi niya.

Do It For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon