Chapter 7

15 3 0
                                    

babibububear_ NefCat immaghorl IrishNicole123 MerickaRose Lalaine1232004 ChimKyleidBear autuminiewinter Airamaegoria Althaena KimGumangan issagorl beajanevillanueva3 Abbiieeyy

Marilou POV

Ilang araw nang hindi tumatawag si Charlito sa akin. Ayoko din naman siyang tawagan dahil galit ako sa kanya. Bakit parang andali-dali lang sa kanya naiwan ko ang anak namin? Kahit pa na sabihin niyang iwan ko ito sa pamilya ko hindi ako papayag. Kakapanganak lang ng anak namin hindi niya ba yun maintindihan?

"Anak hindi pa rin ba tumatawag yang magaling mong asawa? Aba halos mag iisang linggo na yan ah." hindi ko naman masisisi si tatay kung ganito ang akto niya. Maski ako ay naiinis na din mukhang kinalimutan niyang may mag-ina siyang naiwan dito sa Cebu.

"Hindi pa po tay eh. Hindi bale po kung hindi pa po siya tatawag ako na po ang tatawag sa kanya." nahihiya na din ako sa papa ko dahil hindi pa ako makapaghanap ng trabaho dahil kapapanganak ko lang at hindi pa naghihilom ang tahi sa akin. Kailangan ko pa ng ilang buwan para makapaghanap ulit ng trabaho.

Ayoko naman na umasa lang ako sa tatay ko. Kung tutuusin ay ako ang panganay sa aming magkakapatid pero hindi pa ako makatulonh dito dahil nga nabuntis ako. Pero wala akong pinag-sisisi dahil nag karoon ako ng isang anghel na anak at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganitong biyaya sa buhay.

"Wag kang mag-alala anak may ipon pa naman ako sa bangko ayun muna ang gamitin mo sa pambili ng kakailangan ni Charles. Unang apo ko yan kaya dapat alagaan ng mabuti. Para sa inyo din namang magkakapatid yung ipon ko na yun." tinapik ni tatay ang balikat ko.

"Wag po kayong mag aalala tay pag nagkaroon po ako ng trabaho ibabalik ko din po yung pera. Malapit na din naman ang pasukan nila Trisha kaya ibabalik ko po yun. Pasensya na po tay ah kung wala akong naitutulong ngayon sa inyo." ngumiti sa akin si tatay at ginulo nito ang buhok ko.

"Basta alalahanin mo muna ang pangangailangan niyong mag-ina wag mong alalahanin yung pera dahil makikita naman yan eh. Hindi naman kita sisingilin dahil anak kita at apo ko yan." nagpaalam na si tatay na pupuntahan niya lang ang kumpare niya sa kabilang bayan kaya tumango ako sa kanya.

"Ingat po kayo Tay." bilin ko sa kanya. Natuon na lang ang buong atensyon ko kay Charles na mahimbing na natutulog sa duyan nito.

Hinaplos ko ang pisnge nito dahilan para gumalaw siya. "Pasensya kana anak ah kung hanggang ngayon hindi ka pa nakikita ng papa mo. Hindi bale andito naman si mama para sayo." hinalikan ko siya sa noo. "I love you baby ko"

"Ate natapos na po akong magluto ng ulam natin kain ka muna ako na magbabantay kay baby Charles. Ilang araw ka na ding hindi nakakatulog ng maayos." napabuntong hininga ako. Tama siya ilang araw na din akong walang tulog dahil sa pag-aalaga kay baby Charles. Tuwing madaling araw kasi ay nagigising ito kaya hinihele ko siya pero kapag ilalapag ko na ay nagigising naman. Kaya tinitiis ko na lang ang puyat para sa anak ko.

"Salamat Trisha bantayan mo ang baby natin ah." tipid akong ngumiti sa kanya. Gusto kong mapahinga pero hindi ko din naman magawa. Ayokong maging pabigat sa bahay namin kaya kahit papaano ay tumutulong ako sa gawaing bahay kapag nakakatulog si Charles.

Do It For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon