Chapter 3

13 0 0
                                    

maeloss Novaflorjopia almanggeee TrisSan0 itsme_lilly YangBaes dotaetanic dreymaddy jemen__ Lkt101 saaaang30 Asterberry riangsexy keilamarco17 pokenabers AerosTamayo fantasticghOrL BunsongGaia

Marilou POV

Sabado na ng umaga napagpasyahan ko din na wag munang pumasok ngayon dahil madami akong kailangang gawin ngayon. Kailangan ko na kasing lumipat aparment hindi namin alam na nakasanla pala sa bangko ang apartment na inuukupa namin.

Wala din naman kaming magawa kundi ang mag-empake. Sinabiha ko din si Rhea na tutuloy muna ako sa kanya tutal mag-isa lang naman ito sa apartment na inuukupa niya. Hindi kagaya sa akin ay mas malawak ang apartment nito.

"Nag-eempake kana ba?" tanong sa akin sa kabilang linya ni Rhea. Tinawagan kasi ako nito na iiwan na lang niya ang susi sa labas ng apartment nito.

"Oo baka hapon na nga ako matapos iniisip ko pa kung paano ko mailalabas ito." ani ko habang nilalagay sa isang kahon ang mga gamit ko. Nakakadalawang kahon pa lang ako at madami pa akong ilalagay. Hindi ko naman pwedeng iwan dito yung ibang gamit ko dahil panigurado na bibili na naman ako ng bago at hindi ko pa kakayanin na bumili ng bago. Kaya hangga't maari dadalhin ko lahat ng gamit ko.

"Insan may kasalanan na naman ako sayo pero sana wag kang magagalit sa akin ah mwaa i love youu!" ani nito bago ako binabaan ng tawag.

Napakunot noo naman akong tinignan ang screen ng cellphone ko. "Ano bang pinagsasabi ng babaeng yun?" naiiling ko na lang na inilapag ang cellphone ko sa side table at nagpatuloy ako sa pag-eempake.

Mahigit isang oras na akong nageempake ng magring ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong si Charlito iyon.

Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello sabi sa akin ni Rhea lilipat ka na daw muna sa apartment niya. Ayoko namang abalahin ka kaya tinanong ko sa kanya kung saan yung address mo... Hmm nandito ako ngayon sa apartment mo." nagtungo ako sa bintana para tignan ito.

Nakatingin din pala siya sa gawi ng bintana ko  kumaway ako sa kanya. "Dapat nagsabi ka na pupunta ka wala tuloy akong hinanda na pagkain." ani ko sa kanya habang nakatingin sa kanya sa labas.

Inangat naman niya ang hawak-hawak nitong plastic at napansin kung take-out yun. "Naisip ko na baka hindi kapa nakakakain kaya bumili na ako ng papunta ako dito." 'di ko napigilan ang napangiti dahil sa sinabi niya.

"Hintayin mo ako dyan bababa na ako." pinatay ko na ang tawag nagmamadali naman akong bumaba para sunduin ito.

Inaayos niya ang buhok nito ng maabutan ko siya sa baba. Tumikhim naman ako para kunin ang atensyon niya.

"Dapat nagsabi ka pa rin sa akin kahit text lang." ani ko ng iangat niya ang ulo nito.

Ngumiti naman siya sa akin. "Ayoko naman na abalahain ka masyado kaya pumunta na lang ako agad dito." iginiya ko siya papanhik sa apartment na inuukupa ko hanggang mamayang hapon na lang.

Do It For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon