quidinzx TristalDungca JmBertumen say-saykyuttt kylaanir22 Jezuko
JmBertumen princessjoywp_ ElaMaeDelaCruz9 shinhyeleira Zildtrix Briannnara Zaynnie_93 Sleepsygirl JhanaSo5 Sairexiacinth jiieewelMarilou POV
"Anak pasensya kana talaga ah... ayoko lang naman na mag-alala ka kaya nakautang ako." ngumiti ako kay tatay at hinagod ko ang likod niya. Wala naman siyang kasalanan dahil gusto niya lang kaming tulungan na mag-ina, at alam ko iniisip niya lang ang kapakanan naming mag-ina.
Kung tutuusin ako dapat ang gumagawa ng paraan para sa aming mag-ina pero si tatay pa ang gumagawa nun para sa akin.
"Hindi bale tay maghahanap po ako ng trabaho ngayon. Mag-aapply ako sa pharmacy para naman makatulong ako. Sayang din naman pinag-aralan ko kung hindi ako makakapsok."
"Ganon ba anak, sige ako na ang bahala sa apo ko. Mag-ayos kana para maaga kang makahanap ng trabaho mo." tumango naman ako sa sinabi ni Tatay.
Nilapitan ko muna ang anak ko na nakahiga sa duyan."Baby aalis muna si mama ah,"hinawakan ko ang kamay nito at hinaplos ko gamit ang hintuturo ko."Hahanap lang ng work si mama para may mabili akong diaper at gatas mo." hinalikan ko ito sa noo. "Wag kang makulit kay papa lolo ah." ngumiti naman siya sa akin na para bang naiintindihan niya yung sinasabi ko.
"Good boy baby ko." hinalikan ko ulit ito sa noo bago ko maisipan na mag-ayos na. Nagpaalam na ako kay papa na aalis na ako at binilin ko din sa kapatid ko na maglinis ng bahay habang abala ako sa pag hahanap ng trabaho.
Tinawagan ko ang kaibigan ko na may kakilala na may pharmacy baka available pa yung trabaho doon eh. Nung isang araw din ay tinawagan niya ako kung gusto ko bang magtrabaho doon pero tumanggi muna ako sa alok nito at heto ako ngayon umaasa na sana available pa ang pwesto.
Nakailang ring pa ang telepono bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello, Leila si Marilou to...tanong ko lang kung available pa ba yung inooffer mo sa akin nung nakaraang buwan kailangan ko kasi ng trabaho ngayon eh." pakiusap ko sa kanya.
"Nako mare wala na eh nakahanap na sila ng iba. Bakit hindi mo subukan na mag DH?" naglakad na ako papunta sa sakayan nang jeep habang nasa tenga ko pa ang telepono ko.
"Ayokong iwan ang anak ko mare saka baby pa ang anak ko. Hindi ko din maisip na mahiwalay ako sa kanya." hangga't maari ayokong iwan ang anak ko lalo na ngayon na kailangang kailangan niya ako. Inabandona na kami ng ama niya sino na lang ang tatayong mga magulang niya? Gusto ko makilala ako ng anak ko at ako ang makagisnan niya paglaki.
"Pag-isipan mo mare kung dito ka lang din naman sa pilipinas aba...magkanda-ugaga kayo sa pagtatrabaho puro utang pa. Kaya kung ako sayo mag DH kana mas mapapabuti pa ang kalagayan niyong mag-ina." pinara ko yung jeep na papadaan at sumakay ako nang tumigil ito.
"Mare pag-iisipan ko sa ngayon ayoko munang iwan ang anak ko alam mo naman na inabandona kami ni Charlito. Hindi ko na nga alam kung anong pinag-gagawa nun sa barko."
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
SachbücherI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...