Chapter 10

16 0 0
                                    

4TSUM1YA tepppblessed711 hyjn1x littleyurii Binibining-nastya Celodette JcJumuad ien_nayan jeanarenabajaro MitchAnn16  ZyyZyy12 Rissyzeeeee Ancy1969 LhycaKyle03 xxeurysanielxx MarielArces2 DapperJourney JustAWhile

Marilou POV

"Tay aalis na po ako." sigaw ko kinuha ko ang sling bag ko at sinabit ko iyon sa balikat ko. Late na ako sa trabaho ko dahil inasikaso ko pa ang almusal ni Charles kailangan ko ding ihanda ang mga damit at gamit niya.

Nahuli din kasi ako ng gising dahil bumagabag sa akin kagabi ang sinabi ni Charles. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko na magmahal ulit mahirap pa rin sa akin ang nangyari lalo na hanggang ngayon wala pa siyang dahilan kung bakit niya kami inabanduna.

"Mag-iingat ka anak."sigaw ni tatay mula sa kwarto nito. Hindi na ako nag-abala pang tignan si Charles dahil mahimbing pa ang tulog niya. Alas syete na ng umaga kaya late na talaga ako.

Nagtungo ako sa bus stop para sumakay sa bus papunta sa pharmacy na pinagtatrabahuhan ko. Ilang minuto din akong naghintay ng bus bago ako makasakay ng tuluyan.

Pinili ko ang pinaka gitnang bahagi ng bus umupo din ako sa gilid ng bintana para matanaw ko ang mga dinadaanan namin. Ilang taon na ba simula ng iwan kami ni Charlito? Matagal na din lumaki na din ang anak namin pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita sa amin.

Wala na nga akong balita tungkol sa kanya maging ang mga kaibigan namin ay wala ding balita sa kanya. Lalong lalo na si Rhea hanggang ngayon sinisisi pa rin niya ang sarili nito dahil pinilit niyang maging kami ni Charlito.

Kung tutuusin masaya nga ako dahil ginawa niya yun dahil kung hindi wala ako ngayong anak na minamahal ko. Iba kasi yung pakiramdam kung alam mong may naghihintay sayo pag-uwi, yung yayakapin ka ng mahigpit pagdating mo pa lang sa bahay.

Hindi ko masasabing mabuti akong ina pero maipagmamalaki ko na maayos kung napalaki ang anak ko ng walang tulong ng ibang tao.

INAAYOS ko ang mga gamot na bagong deliver lang kaninang tanghali ng lumapit sa akin si Henry hawak-hawak ang cellphone ko.

"Kanina pa kasi nag riring yung cellphone mo baka mahalaga yung tawag." ngumiti naman ako sa kanya at kinuha ko ang cellphone ko sa kanya.

"Salamat sasagutin ko muna to ikaw na muna ang bahala dito ah." tinuro ko pa ang kahon ng mga gamot.

Tumango naman siya sa akin habang nakangiti. "Sige na ako na ang bahala dito sagutin mo na yan." tinapik niya pa ang balikat ko saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa mga gamot.

Nagtungo naman ako sa gilid ng pharmacy para tignan kung sino ang tumatawag. Nakunot ko ang noo ko ng may twenty missed call si Tatay sa akin.

Ako na mismo ang tumawag sa kanya hindi pa nakakatatlong ring ay nasagot na niya ang tawag.  "Hello tay? May problema po ba? Bakit ang dami niyong missed call?" tanong ko agad kay tatay.

Do It For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon