MsKrungii kyuti_ako -kiarraaa- Moonsphire xxezhiexx jolinacuevas1 jhenDy18 alleahuba4 Vien_Cii Real_Leaf jjaki187 _itscab jjaki187
Marilou POV
"Makipag kita ka na lang kasi sa kanya wala namang mawawala eh." pilit sa akin ng pinsan kong si Rhea.
Gusto daw ulit kasi akong makita ni Charlito at nagdadalawang isip ako dahil nahihiya ako sa huling sinabi ko sa kanya bago ako sumakay sa bus.
"Ayoko madami akong gingawa ngayon Rhea." sagot ko sa kabilang linya. Kahit isang linggo na ang nakakalipas hindi ko pa rin maiwasan na mahiya sa sinabi ko.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at nasabi ko yun ito tuloy nagsisisi ako sa sinabi ko.
"Sorry insan pero naghihintay na siya sayo sa baba ng pinagtratrabahuhan mo. Binigay ko din sa kanya number mo pero mukhang nahihiya siyang mag text sayo." napatayo ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya.
May isang oras pa ako bago ang uwi ko. "Bakit mo sinabi kung saan ako nagtratrabaho?!" asik ko sa kanya pero bungisngis lang ang narinig ko mula sa kabilang linya
"Kaya mo yan insan... sige na ibababa ko na ang tawag may gagawin pa ako, goodluckk!" sinigaw pa nito ang goodluck sa kabilang linya kaya nalayo ko ang cellphone ko.
"Aishh kahit kailan talaga yung babaeng yun!" padabog kong inilapag ang cellphone ko dahil sa inis.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang nalaman ko panigurado ay aalis din yun dahil isang oras pa ako dito.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga papeles na nasa harapan ko. Kailangan ko ding matapos ang iba dito ngayong week.
Mas makakabuti din sa akin na wag muna akong pumasok sa isang relasyon dahil may mga responsibilidad pa ako na kailangang gampanan.
Ayoko ding maging pabigat sa ama ko dahil tumatanda na din siya at hindi na niya kakayanin ang mabibigat na trabaho ngayon. Kaya nagsusumikap ako sa pagtratrabaho para makapagtapos ng pag-aaral ang kapatid ko.
Saka ko na iisipin ang sarili ko kapag nakapagtapos na ang kapatid ko. Mabilis lumipas ang oras at uwian ko na. Inayos ko na muna ang mga gamit ko bago bumaba.
Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na agad si Charlito na naghihintay sa akin.
'Akala ko umalis na siya.'
Liliko na sana ako pero huli na dahil nakita na niya ako. Nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin.
Napipilitan naman akong lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Napakamot naman ito sa batok na halatang nahihiya sa akin.
"Nandito ako para makita ka, simula kasi ng makilala kita hindi kana mawala sa isip ko." nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit napaka straight forward mo? Nagugulat ako sayo eh." bahagya pa akong tumawa pero halatang awkward yung pagkatawa ko.
"Sorry kung nabibigla kita gusto ko lang naman sabihin yun eh." umiwas siya ng tingin sa akin. "Susulitin ko na yung pagiging straight forward ko, gusto kitang ligawan Marilou sana payagan mo ako."
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
Kurgu OlmayanI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...