LoveDaVinci Sushikath YvenneSol nzilanne_ Juliebb101698 Jess_Nolimit XXXRu_ElXXX IyaColumbretes JovilynAltero28 jhanneskie CHrein_reigns divieeeeee JessaMalaya4 batang_pula
Marilou POV
Limang buwan na akong buntis sa anak namin ni Charlito at ngayon ang check up ko. Lately lagi akong kumakain ng chocolate dahil sa mga board mate ni Charlito na mga seaman din at madami talaga silang dalang mga chocolate.
Hindi ko naman mapigilan na kumain ng chocolate dahil nasasarapan ako. Medyo tumataba na ako dahil doon. Buti na lang at check up ko ngayon para malaman ko na din kung ok lang na kumain ako nh sobra pang chocolate. Nandito din ako sa Cebu ngayon dahil napag-usapan namin ni Charlito na dito muna ako sa Cebu.
Alam din ng tatay ko na nandito ako ngayon sa Cebu ilang beses na din nila akong sinabihan na doon na tumira sa bahay pero umaayaw ako dahil sabi ni Charlito na mas mabuting tumira muna ako sa apartment nila hanggang sa makauwi siya dito.
Dahil check up ko ngayon hindi ako nasamahan ni Charlito dahil nagbyahe siya papuntang manila. Magpapadala naman daw ito ng pera para sa aming mag-ina kaya hindi na ako nag question pa sa kanya.
May tiwala naman ako sa kanya dahil matagal na din kaming may relasyon at nagpapasalamat ako dahil magkakaanak na kami. Hindi man kami kasal alam ko sa susunod na taon ay papakasalan niya ako dahil ayun ang pangako niya sa akin. Wala din namang kaso sa mga kaboard mate niya na doon muna ako tumira dahil ayoko namang umuwi sa mga pamilya ko dahil makakadagdag lang ako sa gastusin nila.
"Patient Marilou Abogatal?" itinaas ko naman ang kamay ko ng may nurse na lumabas sa kwarto ng Ob-gyn ko.
"Ma'am kayo na po ang susunod." magalang niyang sabi sa akin. Binigyan ko naman siya ng isang ngiti ang tumango sa kanya. Pumasok ba ulit sa loob ang nurse. Habang naghihintay na lumabas ang pasyente na nauna sa akin ay inabala ako ang sarili ko sa pagtitipa ng cellphone.
Nagmessage ako kay Charlito na nagpapacheck up ako ngayon. Sapat pa naman ang perang inipon ko at ng ibinigay niya sa akin nung nakaraang linggo kaya may pera pa ako na sapat para sa sarili ko at sa batang dinadala ko.
Nang lumabas na ang pasyente ay ako naman ang pumasok sa loob.
"Goodmorning po doc." bati ko sa kanya.
"Goodmorning Miss Abogatal, kamusta naman ang lagay niyo ni baby?" hinimas ko ang umbok kong tyan.
"Ok naman ho kami doc medyo napaparami lang ang kain ng matatamis." totoo kong sabi sa kanya.
"Nako baka may diabetic na po kayo mommy ah. Sige eh check up natin yan." pinaupo niya ako sq isang upuan at sinimulan na niya akong icheck up.
"Sa susunod po mommy iwasan niyo ang pagkain ng matatamis mahirap sa mga buntis ang diabetic bawasan din ang pagkain ng sobrang kanin. Ok na siguro ang one cup of rice."
Mataman lang ako nakikinig sa sinasabi ng doctor at sinasaulo ko lahat ng sinabi niya. Makakabuti to hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa pinagbubuntis ko.
Matapos ang ilang oras na paghihintay ay muli akong tinawag ng doctor ko.
BINABASA MO ANG
Do It For Love (On-going)
Non-FictionI'm a single mother and a overseas filipino worker(OFW). Nakikipag-sapalaran ako para sa buhay ng pamilya ko at sa anak ko. Mahirap dahil nawalay ako sa aking anak ngunit wala akong magagawa ito ang aking kapalaran nais kong mabigyan ng maayos na bu...