Chapter 5

15 0 0
                                    

dulajam ifayiee nelaloyola Ayadocena marcelajermaine msyllnrd Jenangjang khrlll JencelAnneArceo SyrilleLeiValenciano Aleleyn_ HannaMaeLopez9 michaelpelina

Marilou POV

Dalawang linggo na simula ng napag-usapan namin ni Charlito na maging magkaibigan muna at masasabi kong ok naman kami sa nagdaang araw. Nawala na din ang ilang ko sa kanya masasabi ko din na mas naging close kami pagkatapos ng nangyari.

"Kumain kana?" tanong niya sa akin ng makauwi ako sa apartment. Umiling naman ako dahil hindi ko nagawang kumain kanina madami kasi akong inasikaso sa opisina.

"Hindi pa madami kasi akong ginawa kanina nakaligtaan ko na ang kumain." ngayon ko lang din maramdaman ang gutom ko.

Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko sabay hila sa akin sa hapagkainan.

"Dapat tatandaan mo na kailangan mong kumain kahit na gaano ka pa ka busy."

Pinaghila niya ako ng upuan at doon niya ako pinaupo. "Buti na lang nakaluto na ako ng dinner." ani niya.

Umalis ito sa likod ko para ipaghanda ako ng makakain.

"Hindi naman na ako bata para asikasuhin mo eh, malaki na kaya ako." pagbibiro ko pa sa kanya pero binigyan niya lang ako ng ngiti.

"Alam ko na malaki kana pero simpre kailangan mo din ng lalaking mag-aalaga sayo." kumindat pa siya sa akin habang inilalapag ang niluto nitong ulam.

"Isa ba to sa mga diskarte mo ngayon?" tumaas pa ng konti ang kilay ko sa kanya habang tinitignan ang niluto nitong bulalo. Naalala ko na sinabi ko sa kanya noong isang araw na paborito ko ang bulalo kaya siguro nagluto siya ngayon.

Sinabi din niya sa akin na hindi ito marunong magluto pero nakikita ko ito na nanonood kung paano magluto ng bulalo simula ng sinabi kung paborito ko iyon.

"Nagpapaimpress lang ako, hindi man yan ganon kasarap pero ayos na din." humawak pa ito sa batok halatang nahihiya.

Umiling naman ako sa kanya. "Bibigyan kita ng  two points para dito kasi pinaghirapan mong lutuin tong paborito ko." kumuha ako ng kutsara at tinikman ko ang luto nito.

"Hmm... sure ka bang ikaw ang nagluto nito? Bakit ganito kasarap?" napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Talaga? Nasarapan ka?" umupo naman siya sa harapan ko at may pagmamalaking hinawakan niya ang dibdib nito. "Ako ang nagluto niyan kaya masaya ako kasi nagustuhan mo." kumuha ulit ako ng sabaw at itinapat ko iyon sa bibig niya.

"Ang bilis mong matutong magluto ah." puri ko sa kanya ng isinubo nito ang sabaw.

"Magaling magluto ang mama ko kaya nagpaadvice ako sa kanya habang naguluto." napatango namana ko sa sinabi niya.

"Kumain na tayo nagugutom na talaga ako." ani ko sa kanya. Sumang-ayon naman ito at nagsalo kami sa hapunan.

Habang kumakain ay madami kaming napagkwentuhan ni Charlito. Niyaya ko din siyang manood ng movie marathon tutal may dvd player naman dito.

Do It For Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon