"May crush ka Chin? Sabihin mo dali," pati si Denisse hindi na mapigilan ang pagiging chismosa. Napalingon naman ako kay Amanda.
"Ako na magsabi?" Natatawang tanong ni Amanda pagkatapos ko siyang tiningnan. Tumawa naman ako at hinayaan siyang mag-explain sa ate niya.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa gate ng paaralan namin. Sakto kasing nakasalubong ko silang dalawa nang papalapit nako sa gate namin. Naglakad lang kasi ako para iwas gastos.
"Weh, talaga? Kabatch ko lang? Edi kilala ko?" Gulat na tanong ni Denisse pagkatapos mag-explain ni Amanda sa kanya.
Tumango lang ako dahil nakarating na kami sa building namin. Agad naman kaming nakita ni Kristina na naghihinatay na pala sa amin sa labas ng room namin.
"Aba, Magkasabay pala kayo!" Ngumuso si Kristina nang makita kaming tatlo na magkasama.
Bawal ba? Tsar AHAHAHAH.
"Ang aga mo kasi! HAHAHA," tinawanan lang siya ni Amanda.
Nagpaalam na si Denisse para pumunta sa second floor. Andun kasi ang room nila.
"Kita nalang tayo sa Flag Ceremony!"
Pumasok na rin kami sa loob ng room namin at napansing wala pa ang iba naming kaklase. Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang araw. Jusko, ang lapit ko sa kanya. Hindi ko sinabi nina Amanda ang nangyari dahil akala kong nakita nila. Pero nung tinanong ko sila, wala naman daw silang nakita.
Anong oras na ba?
Chineck ko ang relo ko at tiningnan ang oras. Waw 6:53 AM pa. Early bird kami, eh bat ba HAHAHA.
"Huy Julia," tinapik ako sa braso ni Amanda. Nasa labas na ulit kami ng classroon ngayon para hintayin ang ibang mga estudyante sa field. Mag F-Flag Ceremony na kasi ngayong 7:15.
Wala pa naman kaya naghintay nalang kami sa labas tutal nasa harap lang naman namin ang field.
"Ano ba yun?" tanong ko. Nilingon niya muna si Kristina na busy kaka-cellphone.
"Hoy Kristina! Maya na yan may sasabihin lang ako!" Hindi mapakali si Amanda at parang excited na siyang sabihin ang sasabihin niya sa amin.
Kumurap naman si Kristina nang hatakin siya ni Amanda. Natauhan naman ito at ibinulsa muna ang phone niya.
Pvta naalala ko tuloy ang phone ko huhu. Hindi ko na siya ginagamit simula nung--- oo, yun.
"So, may chika na naman ako mga pinsan ko," panimula niya. Ready naman ang mga tenga namin ni Kristina, at lumapit sa harap ni Amanda para mas maayos ang pag-uusap namin.
"Ano yun? Aga-aga, may chika ka kaagad," tawa ko.
"Kahapon ko lang kasi nalaman," Ano kayang nalaman niya kahapon? Eh Linggo naman kahapon, walang pasok. Sino kachika niya?
"Sa totoo lang, matagal ko na 'tong duda, pero si Nicole na nagconfirm sakin na totoo yung duda ko," si Nicole, siya ang close friend naming tatlo sa klase namin. Isama mo na si Claire. Silang dalawa ni Nicole actually ang magbestfriend.
Naging close namin yung dalawa dahil kay Amanda. Friendly siya, eh. Pero masaya rin naman kasi kapag may nga hang out kaming tatlong magpipinsan, nasasama namin silang dalawa. Mga mababait sila at marunong makisabay sa amin kaya gusto na rin naming makasama sila.
"Kilala niyo naman si Nicholas diba? Malamang kaklase natin siya, eh AHAHAHAHA."
Bigla nalang siya tumawa ng malakas kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya, lol. Nang matauhan, tinuloy niya ang kaniyang chika.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen FictionSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...