Chapter 8: Mutual

17 7 0
                                    

(flashback, eighth grade for this chapter)

Awang-awa na'ko sa sarili ko.

Dejok. Kasalukuyan akong nasa classroom namin, tinatapos ang pagkopya ng notes. Buti nalang at napicture ni Nico yung slides ng powerpoint ni ma'am English (nakalimutan ko name niya). Ang bilis niyang magdiscuss, hindi tuloy ako nakahabol sa pagsulat.

"That's all for today, class dismiss!"

"Oh? Tapos ka na?"

"Yes poe, eto," Binigay ko na sa kanya ang kanyang cellphone at iniligpit na ang mga gamit ko. Gusto niyo ba 'kong tanungin kung bakit hindi nalang ako nagpicture gaya ni Nico? Batlow, duh.

Humiga ako sa armchair ko, nag-eemote. Di parin matanggap na nahiwalay ako sa mga pinsan ko.

Grade 8 na kami ngayon at sina Amanda at Kristina ay nanatili sa section ng Newton. Kung dati ay nasa Newton kami (7th grade) ako ay nasa Archimedes na. Huehue.

Buti nalang at kahit papaano, nakasama ko pa rin si Nico at Nicole. Si Claire naman ay kasama nila Manda.

"Julia, tara na!" tawag sakin ni Nicole. Agad naman akong kumilos at kinuha na ang bag ko.

"Nico!" Tawag niya naman kay Nicholas na kausap ang mga kaibigan niya. Lumingon ito samin. "Sabay na tayo uuwi!"

Nakita kong umiling siya at ngumiti. "Sa susunod na! May laro kami!" Aniya habang umaktong nagshoot ng bola sa ere.

Naintindihan naman namin. Si Nico lang ang lalaking kaibigan namin, pangalawa naman si Kurt (na crush ni Amanda, ehem). Ewan ko ba kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin, basta parang bestfriend na namin ang dalawang yun. Sa barkada nilang mga lalaki, lahat naman kaibigan namin pero silang dalawa lang talaga ang mas naging close samin. At halurr, si Nico pa ang nag- approach samin nun para makipagkaibigan.

Parehong mabait, parehong maalalahanin, parang sila na nga yung mga body guards namin HAHAHAHA. Pero syempre may pinagkaiba. Kung si Nico ay mahilig sa basketball, si Kurt naman ay mahilig sa gaming. Kaya minsan, si Nico lang ang nakakasama namin, kasi busy yung isa hahay. Pero oks lang naman, solid parin ang barkada namin.

Snob si Kurt sometimes, yung snob na nakakatawa? Ewan. Si Nico naman palatawa, pero seryoso naman sa seryoso. Ay hindi, seryoso siya pagdating sa seryosong sitwasyon. Gaga.

Lumabas na kami ng classroom at naglakad na patungong 2nd floor kung nasan ang room nila Manda.

Every floor ng building namin, may tatlong classrooms. Sa 1st floor, nandun ang dalawang section ng grade 7 at isang section ng grade 8. Ang isang section ng 8th grade ay nasa second floor kasama ang dalawa pang section ng grade 9. Tapos sa 3rd floor, nandun ang dalawang section ng 10th grade, at isang computer room.

Oh eh ba't ako nag-eexplain?

"Omg, Julia hindi ko pa kilala crush mo, ah."

Lumingon naman ako sa katabi kong chismosa. Lage niya nalang pinapaalala sakin na hindi niya alam kung sino crush ko. Ito na yata ang hobby niya tuwing aakyat kami sa 2nd floor para sunduin sila Manda.

Alam ko naman kung bakit.

"Ituro mo na sakin pwease, nasa labas na lahat ng 9th graders oh," Kasi, tuwing pupunta kami rito, naalala niyang grade 9 student ang crush ko. At eto ang floor nila.

Nasa hallway na kami, nakakapit si Nicole sa braso ko. Tumili siya nang nagsilabasan na ang mga grade 9. Tapos na siguro ang klase.

"Holeisheyt, alam mo may crush din ako dito," biglaang pag amin niya. Nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa mga tao malayo samin.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon