Chapter 11: Pabidang Ulan

19 7 0
                                    

Kumatok ako sa pintuan at pagkatapos ay pumasok na'ko sa loob. Natadnan ko si Kristina na tahimik na ginagamot ang mga pasa ni Nico. Narito kami sa school's clinic pagkatapos sa nangyari kanina. Andaming estudyanteng naabala at nakakita sa ginawang pagsugod ni Clyde kanina kaya umabot na ang sumbong sa principal.

Buong buhay ko hindi pa'ko napagalitan ng nakakataas lalong lalo na sa principal ng SNHS. Hindi pa'ko nagka offense kahit 1st offense pa yan o detention. At hindi rin ako naguidance.

I've never been a bad student even once. But for now, kahit labag sa loob ko, kailangan kong tanggapin ang punishment.

._.

Nakakatakot kanina sa guidance office, akala ko talaga tatawagin na nila ang mga parents namin, which is magiging dahilan ng isang malaking gulo. Kapag pupunta sila sa school, malalaman nila ang dahilan ng pagpunta nila, at for sure mapapagalitan kaming lahat. At malalaman nila kung sino ang nagpasimula nun. Magagalit na naman ang papa ni Kristina at yun na nga, hindi na namin alam kung ano ang susunod na mangyayari pag nagkaganon.

Pero nagpapasalamat ako sa taong tinulungan kaming hindi mangyari iyon.

Flashback

"Is your reckless atittude allowed in our school?" Lahat kami ay napayuko lamang sa pinagsasabi ng Principal sa amin. Nasa guidance office kami ngayon. Lahat kaming magpipinsan, si Nico, Kurt, si Clyde at ang barkada niya. Kasama narin sila Raiko dahil nandun din sila at nakita sila ng principal. Nadamay tuloy sila.

"What have I ever do to have irresponsible students like you! Suntukan habang break time?! If you were 1st years, then I'll have to excuse you but-- jusko! a range of 3 to 4th year students! And four senior high schoolers! Don't tell me at your age, makakalimutan niyo ang rules and regulations natin?" Pagpatuloy niya na mas lalo kaming napahiya. "I will not tolerate such behaviour."

Napabuntong hininga si Amanda at Jade na nasa tabi ko. Para bang sinasabi nila na 'Eto na, katapusan na nating lahat, malalagot tayo sa mga pamilya natin'.

"Pasensya na po ma'am, but a student whom saw the incident happened to know who started the ruckus," sabi ni Ma'am Cynthia, adviser namin na naabutan kaming nasa guidance office. Nalaman niya siguro na kasama ang mga estudyante niya sa gulo.

Napatingin ang principal sa kanya gamit lamang ang mga mata nito. Sinong hindi matatakot sa aura ni ma'am?

Lalong uminit ang atmospera pagkatapos bumulong si Ma'am Cynthia sa principal na seryosong nakaupo sa harapan namin. Nagtama ang patingin namin kaya agad akong napayuko.

She sighed before speaking, "Kasali ba ang tatlong 11th graders sa gulo?" Kakarating lamang nila Raiko pagkatapos ng insidente.

She was asking all of us but none spoke. She sighed again and raised her right hand, calling Ma'am Cynthia.

"Tell me who their parents are, I'll need to have a word---"

"M-Ma'am!" halos sabay naming sabi ni Amanda. Tumingin ang principal sa amin at hinihintay kaming magsalita. Nagkatinginan kami ni Amanda dahil sabay kaming tumawag nito. Pinauna ko siyang magsalita pero pati siya, gusto rin niya akong mauna. At ganun nalang ang aming ginawa, natagalan bago kami humarap ulit sa principal kaya bumuntong hininga ulit ito.

"It won't be detention, it will be a face to face with your parents. I heard most of you here are relatives?" Nganga.

"Then it'll be fine, it will only depend on your parent's decision if they will be the ones to punish you or will let the school authorities do it for them."

"Ms. Julianne Baltazon, Ms. Amanda Baltazon, Mr. Nicholas Rullin."

"At kayong tatlong Regulars," tawag niya samin at nila Clyde na kasalukuyang nakayuko. "Kayo ang nag-umpisa sa gulo kaya dapat lang na mag-uusap kami ng mga magulang niyo."

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon