__________________________
Warning :: hindi ito 18+ na chapter gaya ng inaakala mo kundi isang banta lamang para sa mga kumakain, char hahaha goodluck.
long chapter ahead!
_________________________
Tulala.
Yan ang itsura naming apat kanina nang makarating sa function hall. Nasa labas lang kami ngayon, nakaupo si Amanda sa sahig habang nakayuko. Si Jade ay nakasandal sa main door ng function hall, tinatakpan ang mukha. At eto ako... nakasandal rin sa pinto pero nakaharap. Ngayon ko lang tinigil ang pag untog ng noo ko.
"Sinadya yata ni Nico 'yon, eh."
Pagkasabi nun ni Amanda ay awtomatikong minumura ko na sa isip si Nico..
Pagdating kasi namin dito, naalala kong wala pala sakin ang susi. Sakin binigay ni Chris ang susi pero pagdating namin sa floor namin ay hiniram yun ni Nico tapos nilalaro niya lang sa kamay niya. Malay ko bang hindi niya yun isasauli.
"Oo na, tanga na'ko."
Tanga ka beach, ba't di mo binawi agad. Buti nalang at maalerto tong si Kurt. Pagkasabi kong nandun pala kay Nico ang susi ay agad na itong nagpaalam para balikin ito. Siya lang yung hindi napagod kakatakbo hays.
"Sa kabilang building pa yun, siguro tapos na silang maglinis ng isang cubicle," sabi ni Jade. Nagulat ito nung sabay namin siyang tinuro ni Amanda.
"Itikom mo ang bibig mo, hindi pwede."
"Tayo ang magwawagi, tandaan mo yan."
Ilang minuto na ang nakalipas pero nanatili lang kami sa mga pwesto namin. Nakakainis na ang kaibigan naming yon ha. Dinadaan kami sa daya.
Kung sana lang ay dumating sila Raiko at dadamayan kami rito tapos makikipagkwentuhan kung pano kami nadaya ni Nicholas. Tapos hindi nalang namin lilinisin ang function hall at magkwekwentuhan nalang hanggang sa alas singko ng hapon.
Charot lang.
Iuuntog ko ulit sana yung noo ko pero baka mas lalong maalog ang utak kong walang laman kundi siya.
Bigla nalang akong tumawa at taka naman akong tiningnan ng dalawa. Umiling iling ako habang tumatawa dahil wala na akong magawa.
Jusq, tulong mga langit.
"Mukha kang tanga Ate Chin----" Hindi natapos ni Jade ang sasabihin niya dapat. Hindi naman ako nag abalang lingunin ito dahil natatawa parin ako sa iniisip ko. Grabe tulong rold.
Naramdaman ko na parang biglang dumilim sa pwesto namin. Kaya taka kong nilingon kung anong nangyari. Nagagalit na ba ang mundo dahil tinawag ko ang nasa taas?
Napatakip ako sa bibig ko nang makita si Raiko at ang dalawa niyang kaibigan sa tabi niya. Tinitingnan kami.
Ang bilis naman po ng tulong niyo.
Natatawang humarap ulit ako sa pinto ng function hall at inuntog ulit ang noo ko, "Grabe iba na talaga ang imahinasyon ko, parang naging totoo na."
"Chin anong tinatawa mo jan..." naramdaman kong tumayo si Amanda sa gilid ko.
Humarap naman ako sa kanya, "Wala, yung iniisip ko kanina parang naging totoo kasi nakita ko siya mismo oh...Grabe." Umiling iling pa ako habang tiningnan ulit yung tatlong nakatayo parin sa harap namin. Grabe ayaw mawala ah. Sakit ba 'to?

BINABASA MO ANG
Bittersweet
Roman pour AdolescentsSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...