Masaya at masigla akong bumangon mula sa higaan ko. Tumatalon talon akong lumabas sa kwarto ko at pinuntahan ang kwarto ng kapatid ko.
Mwahahah.
"GOOD MORNING BARBIE!!" masaya kong bati habang binuksan ang pinto. Nakita ko namang nakaupo na siya sa higaan niya at kinukusot pa ang mga mata.
Hindi ko na siya hinintay magsalita at pumunta naman sa kwarto nila mama at papa. Bumati din ako ng masaya at pagkatapos nun bumalik nako sa kwarto ko.
Weird ko noh? AHAHAHAHA.
Pumasok ako sa banyo ko at naligo na. Hanggang sa banyo, nakangiti parin ako at kumakanta pa.
Pagkatapos maligo, kinuha ko na sa closet ang bagong uniform namin para sa Intramurals.
Ow yes, Intramurals na namin ngayon at excited na'ko! For sure, andun na naman ang mga performances kada team at mga games.
Violet at white na may print ng isang ibon sa gitna ang style ng aming uniform sa Mallister. Parang sa jersey ang cloth nito.
Ngumingiti akong nagbihis at iniimagine kung ano kaya ang magiging takbo ng araw nato.
Pagkatapos magbihis, tiningnan ko ang oras sa wall clock.
'6:25'
"Okay malayo pa."
Umupo muna ako sa katre at pinapatuyo ang buhok ko. Ang aga kong gumising dahil sabi nila dapat 7 nandun na sa school para sa parade. Eh, atat ako HHAHAAH.
At isa pa, ang araw nato ay napakahalaga sa akin.
Tiningnan ko muna ang cellphone ko at napansing may mga messages akong natanggap.
From: Kristina <3
Happy Birthday Chiinnn! Bilisan mo na diyan baka maiwan ka sa parade hahahaha. Labyuu.
sent : 6: 16 A.M.
Nireplyan ko naman ito ng 'salamat, nakabihis nako tuleg' at ng tumatawang emoji. Tiningnan ko naman ang sa iba.
From: Amanda_Chikadora
MADAM! GISING NA AT MALIGAYANG KAARAWAN! USTO MO WISH? SANA IPAUSE MO MUNA YUNG PAGTANGKAD MO PARA MAKAHABOL KAMI! HAHAHA CHARING LABEO <3 WALA PALANG LOAD SI ATE, MAMAYA NA DAW SIYA MAG-GREGREET SAYOOO.
sent : 5:56 A.M.
'Taena HAHAHAHA salamat'
Yun nalang ang naireply ko, si Amanda talaga.
From : Nicole Hot
Happy Birthday babeh! Chika Minute with Nicole Mainit! O, line mo yan ah AHAHAHAH. Mamaya, may ichichika ako charrrrawr. Kung ano mang mangyari sa araw nato, sure kaming maging masaya ka. Labyu mwappss.
sent : 6: 05 A.M.
Sa pangalan palang natatawa na'ko AHAHAHA siya kasi nagset sa name niyang yan sa phone ko. English daw ng last name niya, hay nako.
Last ko namang tiningnan ang kay Claire. At nagulat pa'ko nang makita ang pangalan ni Nico sa chat box ko ngayon lang. Si Nicole yata ang nagset sa pangalan niya dito. At baka siya rin ang nagbigay ng number ko.
From : Claireng
Happy Birthday dear! Wala akong masabi kasi alam mo namang mahar keta debar HAHAHSHA. Yayakapin nalang keta mamayaaaa!
sent : 6:23 A.M.
Aasahan ko yan Clear.
Nang tiningnan ko naman yung kay Nico na ngayon lang nasend, bigla akong nasamid sa sarili kong laway. HAHAHAHAHAH.
