"Fiesta pala ngayon sa inyo, Julia?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Nicole habang nakasakay na kami ng motorcab papunta sa bahay namin.
"Oo, at isang himala na hindi mo alam," tawa ni Amanda dahil kapag si Nicole na, alam na niya ang lahat.
Oo, Fiesta ng baranggay namin ngayon, doble ang selebrasyon dahil birthday ko pa.
"Hindi naman ako taga-rito, eh," ngumuso nalang si Nicole. Nagulat daw sila ni Claire kasi birthday ko na, may fiesta pa.
Kasama ko ngayon sila Claire, Nicole, at mga pinsan ko. Buti nalang nahanap namin si Dennise kanina sa Gym.
Natapos ang program kanina ng maayos. Anggaganda't gwapo ng mga representatives, to the point na hindi namin alam kung sino ang mananalo.
Nang makarating na kami sa bahay namin, masaya akong bumaba sa motor cab dahil sigurado akong nandun na naman ang iba kong mga pinsan sa bahay naghintay.
"Wao, andaming tao," sabi ni Claire.
"Parang nakikisabay ang buong baranggay sa birthday mo Julia, chareng," sabi naman ni Nicole. Natutuwa ako dahil mukhang magkakasundo sila ni Dennise.
Pumasok na kami sa bahay, at syempre nahiya pa ang dalawa.
Agad ko namang tinawag si mama sa loob na siyang pinapapasok na kami.
"Pasok kayo! Wag na kayong mahiya ano ba," Masayang sabi ni Mama nila Nicole. Bumati naman sila kay Mama at pagkatapos nun, tuluyan na kaming pumasok sa loob.
"Anak, nandun sila Jade sa loob ng kwarto mo," dag-dag pa pa niya habang inaasikaso ang mga bisitang sunod sunod na dumating.
"Opo ma!" sagot ko naman. "Tara, dun muna tayo sa kwarto ko, wala pa namang 11."
Dali-daling umakyat sila Amanda sa taas dahil excited na ring makita ang dalawa pa naming pinsan.
Ako naman ang umaasikaso kay Nicole at Claire dahil bago palang sila dito.
"ATEEEEEE," pagkarating namin sa kwarto, ang boses agad ni Jade at Raven ang narinig namin.
Binati ako ng dalawa at pinapakilala ko naman sa kanila ang dalawa pa naming kaibigan.Nasa higaan kaming lahat at masayang nakikipag-kwentuhan.
"Alam niyo ba, itong si Julia, may crush---"
Agad tinakpan ni Kristina ang bibig ni Amanda. Tumawa kaming lahat dahil sa pagkabigla ni Amanda.
"WAG KA MUNANG MAINGAY JAN, BAKA PALABASIN TAYO NETO," sabi ni Kristina na tumatawa na rin. Sige, palalabasin ko talaga kayo, char.
Inalis naman ni Amanda ang kamay neto at umaktong nawawalan ng hangin at humihinga ng malalim.
"H-Hinde! Laglagan nalang tayo!" Putol-putol kong sabi sa kakatawa. "Si Manda may crush din, kaklase pa namin----"
Namilog naman ang mata ni Amanda. Napatakip si Kristina sa kaniyang bibig habang tumatawa. LAGLAGAN NALANG ANO HAHAHAH.
"ATE SINO?" curious na sabi ni Jade habang si Manda naman ay tumayo na sa higaan at umaaktong galet na sadako.
JUSKO HAHAHAHAHA.
Si Dennise, tumatawang sinusuway ang kaniyang kapatid na ngayo'y tinataas ang kaniyang mga kamay at parang gusto akong sakalin HAHAHAH.
Sige! Kalabanin mo'ko!"HOY SINOOOO!! HAAHAHAHAH," tanong ni Nicole.
"SI NICO BA? AHAHAHAHHAHAHA," dahil malakas ang boses ni Claire, agad pumunta ang direksyon ng kamay ni Manda sa kanya. Parang siya naman ang pinupuntirya. Nakipag-apir ako kay Claire habang tumatawa. Eh, palagi kasing nag-aasaran yung dalawa kaya nagdududa na kami. Kung pano sila mag-asaran ni Nico, iba na yun samin. Maiisue kami ba't ba.

BINABASA MO ANG
Bittersweet
Novela JuvenilSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...