Since elementary, I've been friends with my younger brother's classmates, especially Janine. Si Janine ang girl bestfriend ni Joshua kaya kapag may mga occassions sa family namin at sa kanila, magkikita kami.
Mabait at marespeto ang batang iyon. Kahit isang taon lang ang agwat namin, marunong pa rin siyang mag-ate. Mas matangkad ako sa kanya. Yung buhok niya ay hanggang leeg lang, pareho din kaming may salamin.
Di ko masasabing sobrang close namin sa isa't-isa. Naiilang din ako minsan sa kanya, pero pareho naman namin gusto makasama yung isa't-isa. Maganda ang loob ko kay Janine, kahit kailan hindi ako nagagalit sa kanya, at ganun din siya sa akin.
Pero grade 8 yata yun nung malaman naming crush niya rin si Raiko. Simula ng araw na yun, naging spy bigla si Joshua at sinabi samin na may balak pa nga siyang ichat si Raiko. Hindi naman daw natuloy. Pero naging friends nila yung barkada ni Raiko, sina Kennedy at Christopher. Tuwing uwian, nakikita ko yung barkada ni Joshua at Janine na masayang nakikipag-usap sa dalawang senior.
Pero kailanman, hindi ko nakikita si Raiko na kausap si Janine. Yun ay, sa sarili ko lamang napatunayan.
"Nasa baba na sila Jade, sasabay sila satin."
Kasalukuyan kaming naglalakad pababa galing sa 3rd floor. Uwian na namin ngayon at kasama ko ngayon si Amanda na hindi parin mapakali dahil sa sinabi ni Claire samin. Pumunta kami kanina lang sa room nila para kay Kristina, hindi namin nakausap si Tina, si Claire na ang nagsabi samin na hindi muna siya sasabay samin uuwi.
Alam naman naming iniiwasan niya muna kami pero hindi naman namin yun iniisip. Ang sa amin lang, sabay na dapat kami uuwi dahil may sleepover kami mamaya sa bahay nila Jade since friday naman ngayon.
Nang makarating sa baba, agad kaming sinalubong ni Jade at Raven. Hindi na bago samin ang bago nilang chika. Naiinis daw sila sa pabida nilang classmate kanina, tumatawa ket wala naman dawng nakakatawa, at palaging nangungulit.
"Sino ba yan?" tanong ni Amanda na hindi naman sinagot ni Jade.
"Hayaan niyo nalang, baka sa room niyo lang siya malaya maging masaya," napatango naman sila sa sinabi ko. "Asan yung kapatid ko?"
"Ah andun sila sa kabilang railings ate." tumango naman ako.
"Eh, si ate Kristina? Magagalit si ate A kapag hindi natin siya kasabay papunta samin!"
Napasabunot si Amanda sa ulo niya, "Yun na nga eh! Ayaw niya muna sumabay, naintindihan natin yun deba, kaso nasa atin parin ang kasalanan, tayo parin ang salarin kapag nalaman nila tita na wala siyaaaaa."
"Tayo ang mapapagalitan." dagdag niya.
"Wag na natin isipin yun, sasabihin nalang natin kay tita na may tinatapos pa si ate na project sa room nila!" umiling naman kami sa sinabi ni Raven.
"Pano kung sasabihin nilang 'Ba't di niyo nalang hinintay matapos siya para sabay sabay kayong uuwi?'" sabi ko naman na napakamot na rin sila sa batok nila.
Kung nalilito man kayo kung ba't ganito kami umakto, dahil wala silang tiwala kung saan pupunta si Kristina. Malayo ang bahay nila, sa Concepcion pa yun at hindi siya sinusundo ng papa niya dahil may bahay naman sila sa Brgy. Rizal. Sa lola niya iyon at kaya nandun si Kristina para mas malapit nalang siya sa paaralan.
Wala silang tiwala kasi, alam na nila tita at ng parents ni Kristina ang sekreto niya. Ang sekreto din na yun ang dahilan kung bakit niya kami iniiwasan.
"Pano na yan? Hindi naman siya pupunta kay ano diba?" nag-aalalang tanong ni Jade. Inayos ko naman yung salamin ko, hindi makasagot. Pati sila Amanda, nag-iisip na rin kung anong rason ang maaari naming sabihin sa mama ni Jade at ni ate A.

BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen FictionSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...