Chapter 1: Heart Skipped a Beat

92 12 0
                                    

Dugdug. Dugdug.

Hindi ko alam kung pano sasabihin to.

Bakit sa tuwing wala siya, ay palagi ko nalang nakikita ang sarili kong hinahanap siya? At kung nandyan naman, ako naman tong iiwas para hindi niya makita?

Is it because I'm shy? Or sadyang ayaw ko lang ipahalata na may.. gusto ako sa kanya?

Ako pala si Julianne Chinishia Sin Baltazon. Isang 4th year highschool student sa SNHS. Ang taas ng name ko noh? Easy lang hahaha. People call me Julia, pero sa mga pinsan ko at sa mga relatives ko, ako si Chin. Chin the dog. Tsarut.

Hindi ako mataba, hindi din ako sobrang payat. Sakto lang yung body shape ko. 5'3 ang height ko. Ang buhok ko naman, hanggang sa dibdib ko lang. Kulot oo, hindi siya yung kulot na grabe. Yung wavy lang? Ah basta buhok ko na yun hahahaha.

Hindi ako kagandahan. Alam ko yun. Kahit palaging sinasabi ng mga tao na maganda ako, parang diko talaga feel. Hayaan niyo na'ko sa pinaniniwalaan ko! AHAHAHAH diz iz me okeh?

I don't like very good compliments about me. Idk, hindi ako komportable na pini praise ako dur.

Isip bata? No, hindi ako ganyan. I'm shy, pero makikita mo talaga yung totoong side ko kapag naging friend mo na'ko *laughs in korean*

Ang hirap ng STE! Grabe! Pero infairness kinaya ko. Ako kaya si Wonder Woman. Lumalaban pero di ipinaglaban. De joke.

Wala akong jowa ulol. Ni ex wala. Kahit flings pa yan, wala talaga. Oo, meron namang nagtangkang ligawan ako pero nO. Binara ko na. Ayoko ng may istorbo sa pag-aaral ko you know.

Pero...

Nagkacrush naman tayong lahat diba? Normal lang kaya yun sa buhay natin.

Pero naiisip ko, pano ba kasi mag-uncrush?

Ba't ang hirap?

Huhu

Ewan ko ba, pero nagsimula ang lahat sa first year ko sa SNHS. 7th grader ako nun. Bata ko pa.

Yun na nga, medyo na sad ako nun dahil nagkahiwalay kami ng section ng mga elementary friends ko. Pero naging bibo ako bigla nang malaman kong kaklase ko pala yung dalawa kong pinsan!

Si Amanda at Kristina. Woh jusmiyo akala ko mag-iisa akong itlog sa room namin eh. Mga itlog din pala ang makakasama ko AHAHAHA.

Close na close kaming magpipinsan. Kahit anong problema, open kami lahat sa isa't isa. Ma love life ba yan o hindi.

Actually 7 kami lahat.

Si Denisse Patricia Freniere Baltazon. Kapatid niya si Amanda. Unang tingin mo palang sa kanila, akalain mong twins, pero hindi.

Si Denisse, isang year ang agwat namin sa kanya. Ate namin siya ng isang taon pero ewan ko ba, ako yung pinaka matangkad saming lahat eh AHAHAH proud af.

Si Amanda Freniere Baltazon at Si Kristina Shain Baltazon Cano. Ang mga naging karamay ko sa klase.

Si Jade Faye Baltazon Balenciaga at Raven Baltazon. Sila naman yung mas bata samin ng isang taon din. Babae si Raven ha.

Joshua Sin Baltazon. KAPATID KO. Ka batch niya rin sina Jade at Raven. Bakla toh bakla. Basta kapatid ko siya, ayokong pag usapan tsar AHAHA.

Wala lang, gusto ko lang ipakilala sila. Mmm

They're the best squad. Akalain mo? Kami lahat walang mga naging jowa. Goals na yun! Hahhah. Oh wait, may isa pala sa amin ang nagkajowa. Secret muna para bibo.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon