"SINO BA DIYAN JULIA?" Chismosang tanong sa akin ni Amanda.
Kasalukuyan kaming nasa gilid ng bintana ng classroom namin habang tinatanaw ang mga 8th grader na naglalaro ng volleyball sa labas. Break time namin ngayon kaya busy na naman ang mga kaklase namin sa mga bisyo nila.
At yun din ang dahilan kung bakit naglalaro ang mga seniors namin sa labas."Teka lang, inaalala ko pa yung mukha nun eh," reklamo ko dahil hinahampas hampas na ako ng dalawa. Ang dami naman kasing lalaking naglalaro eh kaya hindi ko agad makita si Mr. Nunal. Hahaha yung nunal nalang ang naaalala ko.
Pano ba naman kasi, ilang araw na ang lumipas mula nung una ko siyang nakita. Busy kasi kaming lahat sa requirements at assignments kaya nakalimutan ko agad ang nangyari.
Inilinga ko ang aking mga mata sa mga taong naglalaro sa labas habang nakahawak ako sa bintana. Mukha kaya akong weirdo mula sa labas?
Habang hinahanap ko siya, dumapo ang tingin ko sa isang taong naka adidas shoes na kakarating lang din sa field.
Bingo.
"AYUN!!!" sigaw ko sa dalawa at itinuro ang lalaking yun mula sa bintana. Kaya naman pala hindi ko nakita kasi wala pala siya kanina. AHAHAHAHHA bobo ko naman.
"LUH SAAN?!"
"YUNG--YUNG MAY RED SA SHOES!" sigaw ko ulit at patuloy pa ring tinuro ang tao. Nagmumukha tuloy silang mga timang. Parang mga unggoy na nakadikit sa bintana.
Ampochi ang gwapo talaga.
Seryoso, hindi na ako magdedeny. Yung itsura niya iba eh. Ewan ko ba. I observed him from afar.
Mula ulo hanggang paa, gwapo talaga.I can't further explain why! He's just...different for me. May katangkaran, siguro mga inches lang ang height difference namin. Siya yung mas matangkad syempre. Ang mga mata niya. Kakaiba.
At dahil inoobserbahan ko siya, bigla nalang akong napangiti nang tumawa siya sa harap pa ng direksyon ko.
Napatakip si Kristina sa kanyang bibig at may ibinulong kay Amanda. Pagkatapos nun, tumayo si Kristina at bigla nalang sumayaw ng tap your shoe. Ginagawa mo.
"Ano nakita niyo na?" hindi sila nakinig. Parang naistatwa si Amanda habang nakatingin sa labas. Sure akong nag loading toh, hindi nagets yung binulong ni Amanda. Kung ano man yun.
"HALA," nagulat ako nang biglang inilapit ni Amanda ang mukha niya sa akin at pinandidilatan ako ng mata. Gago anong ginawa ko sayo.
"HoOooOOyyyy Chiiiinnn!" bigla akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ano ba! Tinatakot ako ng mga hunghang!
"Juliaaaa siya yun? Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda. Tumango naman ako kahit nalilito na rin sa mga ginagawa nila. Para maniwala sila, tinuro ko ulit yung lalaki. Napamasahe si Kristina sa ulo niya. Mukhang nadisappoint. Ano bang ginawa ko??
"Iuncrush mo na yan gaga ka," sabi ni Kristina.
"Luh bakit? Hindi naman pangit ah--"
"Ulol si Rafael yan, yung manliligaw ni Wendy!" Para akong binuhusan ng tubig sa aking nalaman.
Rafael? Yung palaging nagbibigay daw ng souvenirs sa armchair ni Wendy? MANGLILIGAW NA PALA YUN? Gago ang bata pa ah.Pero hindi yun ang iniisip ko. Hala, so kung may gusto na pala siya kay Wendy na kaklase namin, edi...
Eh ano naman. Crush ko lang naman siya diba? No prob. Hindi ako masasak--
Oo na nahurt ako slight. Pero slight lang! Kasi kakacrush ko lang sa kanya eh! Tapos malalaman ko na may gusto na pala siya at kaklase ko pa.
"Wala na, support na sana ako eh. Malandi pa naman yang si Wendy," pagtapos ni Amanda sa usapan tapos bumalik na kami sa mga upuan namin.

BINABASA MO ANG
Bittersweet
Novela JuvenilSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...