Nagpahinga muna kami habang hinihintay sila Ate April, Joshua at Kristina na nasa taas pa, nagpictorial. Tumabi si Amanda sakin, yung tatlo sumasayaw sa gitna para mawala raw yung antok nila. Kanina pa kami nagsimulang magjogging dito sa bundok, at ngayon malapit nang mag 5 am.
"Chin, kamusta naman yung 'I like you' mo?" tanong ni Amanda sa gilid ko. Kinuha ko naman ang phone ko at ipinakita sa kanya ang reply ni Raiko. Hanggang ngayon, diko parin maintindihan ang sinabi niya.
You don't even know me? Kaya ko nga siya crush kasi kilala ko siya, si Feraiko Storm Terazono. Senior Highschool student from STEM strand. 17 years old, may isang nakababatang kapatid na babae. Mahilig siya sa volleyball, basketball, at table tennis. Ano ba ang ibig niyang sabihin sa hindi ko siya kilala? Labo mo storm.
Pero syempre may part din sakin na alam ko rin ang ibig niyang sabihin. Dahil siguro hindi pa kami friends, hindi pa nga kami nag-uusap, siguro dun siya nagtaka kung bakit ko siya gusto eh hindi naman kami close. Na hindi ko nga raw siya kilala.
K.
Bahagya siyang tumawa bago ibinalik ang phone ko, "Oh, ba't ka pa nakasimangot? Hindi ka naman nireject, eh."
"Hindi nga nireject, wala namang kwenta yung reply niya."
"Ba't di mo replyan para magkakwenta," umiling naman ako sa sinabi niya. I don't even know what to say. Siguro kasali lang din ako sa list of admirers niya, wala din akong silbi. Gusto ko siyang maging kaibigan pero hindi sa ganitong paraan na naunahan pa ng pagconfess ko. It could be awkward.
"Malay mo, pag nagreply ka sa kanya, don na magsisimula ang tamis ng pag-iibigan ni Julianne Baltazon at Raiko Terazono." sabi niya habang itinaas ang dalawang kamay at tumingala na parang tinatawag ang mga santo sa langit. Siniko ko siya dahil don.
"Sira."
__________
Alam mo ba yung feeling na gusto mo ng lumisan sa mundong ito nang dahil sa kahihiyan? Yan ang nararamdaman ko hanggang ngayon simula nung nagconfess ako kay Raiko.
Friday ngayon, isang linggo mula nung nagsleep over kami sa bahay nila Jade. Hindi na'ko nakakapag break ng maayos, tuwing uwian lang ako nakakalabas dahil lang sa isang bagay.
Noong Lunes, I thought it would be a normal day for me dahil akala ko wala lang yun sa kanya. Pero nang magbreak time, hindi ko alam kung saan ko napulot ang pagiging over reacting ko nung tinitingnan ako ni Chris at Kennedy na nakapila sa canteen habang kinakausap si Raiko.
Akala ko gawa gawa ko lang yun sa isip ko na ako yung pinag-uusapan nila.Pero dumating ang Martes, recess namin non nang mangyari ang the flu, charot. Nang makabili ng snacks, kalma lang kaming naglalakad ng mga pinsan ko papunta sa building namin. Papalapit na kami don, lumingon ako kay Amanda na medyo nasamid sa iniinom niyang iced tea. Bumagal kaming dalawa ng lakad. Nasa unahan namin sila Kristina at Denisse.
"May lindol ba?" Pabirong tanong niya, pinipigilan ang sarili na tumawa. Tiningnan ko kung ano ang tinutukoy niya. Nakita ko yung apat na lalaking nakahawak ang dalawang kamay sa ulo habang pababa ng hagdan. Kasama nila Raiko yung isa pa nilang kaibigan na si Niel na hindi gaano lumalabas kasama sila.
Tumingin nalang ako sa baba, busy kunyare sa iniinom kong iced tea. Kasabay nun ang mahinang asar ng mga pinsan kong nasa unahan.
"Uy, nandito na pala si Mr. You don't even know me, ayii."
Alam kong makakasalubong namin sila kaya tumahimik nalang ako. Hindi naman umuulan, hindi rin naman lumilindol, mukha tuloy silang tangang nakahawak sa kanilang ulo. Idagdag mo pa yung para silang nakapila habang naglalakad ha.
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen FictionSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...