"Eto madam, chunkee mo," pagsasalita ni Amanda habang ibinigay sakin ang dalawang chunkee na pinapabili ko. Agad ko naman siyang pinasalamatan at kinuha na ang pagkain.
Araw ko ngayon kaya hindi muna ako makakainom ng mga malalamig na inumin at tsaka mga pagkaing maasim. Stressed out na'ko sa mga activities na sabay sabay namin ginagawa. Parang walang subject na walang activity, eh.
Every hour, every minute, kailangang kumilos. Stressed na kung stressed, kapag tatamarin ka, it will always reflect on your performances and grades.
Fighting, Chin!
"Chin, si Kristina oh," Nasa loob kami ng classroom ngayon, break time kaya sinusulit na namin ang oras para kumain muna at magpahinga. Lumingon ako sa gilid, at sumilip sa labas ng bintana.
Nakita ko si Kristina na naglalakad sa hallway patungo na sa direksyon namin. Kasama niya si Claire na siyang tinatawanan ni Kristina.
Umiwas nako ng tingin at ibinalik at atensyon sa chunkee ko. Nang makita naming dumaan na sila sa tapat ng room namin, hinarap ako ulit ni Amanda.
"Kailan kaya niya ako kakausapin?" sabi niya, hindi mapakali sa pwestong inuupuan. Tumingin ito sa labas habang ngumunguya ng chicken square. Umiling nalang ako, hindi alam ang sasabihin.
Amanda had a little fight with Kristina. Tungkol iyon sa isang bagay na...kaming lahat ay sang ayon kay Manda maliban sa kanya.
Maliit na away lamang iyon pero iba si Kristina kapag magalit, eh. Yung hindi niya kami kakausapin ng ilang araw. Sa ngayon, hinayaan lang namin siyang magalit muna samin. Wala naman kaming magagawa.
At isa pa, hindi na kami magkaklase. 4th year class, si Kristina lang saming tatlo ang nabuwag.
Nasa kabilang section siya. Kasama niya naman sila Claire at Nicole. Tapos ang nakasama ko, si Amanda lang.Magkaklase parin kami ni Nico. From 1st to 4th year of junior high, si Nico lang ang nakasama ko. Si Amanda, hindi ko siya kaklase nung 8th grade pero lagi naman kaming magkasama dahil magpinsan kami at palagi kaming sabay umuwi.
Si Kristina, hindi ko din siya naging kaklase nung 8th grade. Ako lang din ang nabuwag nuon.
Noong 9th year, si Amanda naman ang nabuwag saming tatlo. At sa ngayon, si Kristina naman.
"May sleepover naman tayo mamaya diba?" sabi ko sa kanya habang kumukuha ng water bottle sa bag ko. "Dun tayo mag-usap ulit, tayong lahat."
"Ay oo nga noh," sagot niya.
"Juskoo, sana nga hindi na siya magagalit sakinnn."
Hayst, it wasn't really a fight, we just told her things that was for the best. We were just worried. Ewan ko ba, si Kristina ay ang pinaka seryoso samin, at the same time, she's also bubbly.
And she's complicated, yes.
Natapos ang break time namin at saktong dumating na rin ang teacher namin sa math.
Discuss. Discuss. Discuss.
Solve.
"Anoh???" Pagrereklamo ni Amanda. "Hoy! Pano nga yun?"
Napakamot ako sa ulo nang hindi ulit matandaan ang process sa pagsolve kanina. Sa kalagitnaan ng discussion ni ma'am, may isang teacher na biglang tumawag sa kanya mula sa labas. At dahil parang may pag-uusapan silang seryoso, lumabas muna si ma'am.
At binigyan kami ng activity.
Agad- agad, bes.
"Ganito yun, tapos--"
BINABASA MO ANG
Bittersweet
Teen FictionSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...