Chapter 12: Goodluck Boy Best

18 5 0
                                    

Tap tap tap . . .

Kasalukuyan akong nakatingin sa labas ng bintana habang nilalaro ang ballpen ko. Alas-tres na ng hapon at ilang minuto nalang ay ididismiss na kami. Maaga ang dismissal ngayon kasi may meeting ang ilang mga teachers, at kasabay nun ay ang pagkilos namin para sa mga punishment.

Yung nangyari kahapon, hanggang ngayon hindi ko parin malilimutan. Nakasabay ko yung taong matagal ko nang gustong makasabay man lang sa paglakad. We we're just silent while hastily walking under the rain but I can still here one thing. And that was my heart beating.

Kailan ko kaya maririnig ang tibok ng puso niya? Sana man lang pareho kami ng tinitibok. Masyadong impossible yung pinapangarap mo Julia. Hindi yata yun mangyayari kahit kailan.

Hanggang sana nalang yon.

Sinabi ko sa mga pinsan ko ang nagyari dahil may utang raw ako sa kanila na explanation. Paglabas kasi namin ng gate, andun parin yung apat kong pinsan kaya pati sila gulat sa nakita. Yun lang ang nangyari tbh, naglakad lang kami hanggang sa gate, walang convo, the end.

Tinutukso pa nga ako kagabi, ito na raw ang simula ng mala-wattpad na love story namin. Psh, labo.

Pati sa pagtulog, naiimagine ko parin yung nangyari, na nakatabi ko siya ng ganun kalapit at ganun katagal. Hayst.

Tiningnan ko ang 3rd row kung saan nandun si Nico kinakausap ang mga kaibigan niya. Inoobserbahan ko ito.

Mula kahapon, hindi ko na siya masyadong nakausap dahil na rin sa mga nangyari. Pati sa pag uwi, hindi namin siya nakasabay dahil may ginawa kami ng mga kagrupo ko.

Hindi ko naman yon iniisip pero kaninang umaga hindi niya ako kinausap. Siya ang unang kumakausap sa amin, tinatanong kami kung nagawa ba namin yung assignments, kung nagugutom ba kami dahil may dala itong pandesal tuwing umaga. He cares for the group.

May problema kaya ito?

Naging busy si Amanda sa tabi ko kakalaro ng Bombs and Friends. Inis na inis na ang mukha nito dahil hindi niya magawang matapos ang level.

Eto ako, nakatingin sa labas ng bintana kahit hallway lang ang nakikita ko. Nakapandekwatro ako at komportableng nakaupo sa upuan.

Rold sana makita ko siyang dumaan sa hallway namin ngayon. Gusto ko lang siyang makita ulit dahil hindi ako makampante.

"HULI KA!"

Bigla akong napakurap nang makita si Nico sa harap ng inuupuan namin. Hindi siya nakatingin sakin pero ramdam ko na ako yung tinutukoy niya. Nangungulangot lang yung tao eh, istorbo.

"Huh?" Takang tanong ni Amanda kay Nico na kakarating lang. Hindi naman ito sumagot sa halip ay nagpipigil lamang ng tawa.

"Masama bang maglaro nito? Ha?"

"Chill, may nakita lang akong pulis na may kinuha sa campo," kung may sipon lang 'tong taong ito, lumobo na yung sipon niya sa pagpipigil ng tawa.

Mas lalong nagtaka si Amanda, "Wala namang pulis dito, nababaliw ka na ba?"

Habang ako, kulang nalang ay banat banat na'ko sa pang-aasar ni Nico.

"Sayang," sabi nito. "Makikita mo rin yung alamat maya-maya." Tumawa ito ng malakas nang hinagis ko ang notebook ko sa mukha niya.

"Ewan ko sa inyo, istorbo kayo eh."

Wala naman palang problema si Nico. Pag ako talaga makahanap ng asar---

"Anong tinitingin mo diyan?" Tanong ni Nico nang mapansing nakatingin ulit ako sa bintana. Nakita kong napatingin rin si Amanda sa kanya.

"Gusto mo?" sabi ni Amanda

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon