"AYAN TAPOS NA!"
At dahil si Kurt at Kristina nalang ang naiwang pares, sila ang nagtapon ng dumi sa likod ng library kung saan nandoon ang isang malaking espasyo na lugar na puno ng mga basura. Nilagay nila 'yon sa pinakadulong pwesto.
Pagkatapos naming maghugas ng kamay at maghilamos, nauna ng umuwi sila Denisse, Raven at Kristina. Isa 'yon sa mga pinag-usapan namin na pauwiin na si Kristina at baka magkita pa sila ulit ni Clyde.
Bumalik na kami sa function hall. Medyo na-anxious ako sa mga sarili namin kanina dahil sa mga estudyanteng nakasalubong namin. Baka kase dumikit 'yong amoy ng tae sa mga suot namin. Pero hindi naman ako masyadong nag-alala dahil may dalang hand sanitizer at perfume si Jade.
"O siya, mauna na'ko sa inyo ha? May aasikasuhin pa'ko sa bahay," pagpapaalam ni Ken sa amin.
"Oy iiwan mo'ko pre? Sabay na tayo!" sabi ni Chris pero tinuro ni Ken ang function hall sa likod nito. "Andiyan pa naman si Raiko oh, tulungan mo muna sila," aniya. "Sige na, aalis na'ko."
Napakamot nalang sa ulo si Chris, "Sige pre."
"Zone 5 ka diba?" rinig kong tanong ni Kurt kay Ken. Pumasok na kami sa loob para kunin ang mga gamit namin. Nung nakarating kami sa storage room, nakita ko si Raiko na may kasamang isang babae na parang kabatch niya.
"Ooh! Sa inyo pala 'tong mga gamit," wika ng babae na medyo familiar para sa akin. Nagtagpo ang dalawa kong kilay habang tinitingnan siya. Laking gulat ko nalang nung tumingin ito sa gawi ko na agad ko namang iniwasan ng tingin.
Kinuha ko nalang ang bag ko at naunang lumabas sa silid. Nakasalubong ko si Chris na papasok sa storage room.
"Andito lang pala kayo!"
"Err, you can go, di ka namin kailangan."
"Err, you can go~" panggagaya ng boses ni Chris. "Semi ha, gusto mo lang masolo si ano eh."
"As if, pero mas gusto ko pa siyang makasama kesa sayo noh."
Lumingon ulit ako sa babae at pilit inaalala kung saan ko ito huling nakita. Pero dahil hindi ko parin maalala, tuluyan na'kong lumabas ng function hall. Masolo? Silang dalawa ni Raiko? Pfft, loslos.
"Na saan na sila Nico?" tanong ko kay Amanda at Jade nang makalabas kami.
"Ayun, nagpaalam para sumabay nalang kay Ken," sagot ni Amanda. "May laro pa raw si Kurt."
"Basketball?"
"Online Game," halos bored na sabi ng dalawa. Kahit hindi nila sagutin, alam na alam ko ng hindi hilig ni Kurt mag basketball, hindi kagaya ni Nico. The last time we saw Kurt playing basketball was in 7th grade. Intramurals 'yon at pareho sila ni Nico ng team.
"Paano 'yan Ate, eh si Nico lang ang mahilig sa basketball sa kanilang dalawa," pagtutukso ni Jade. Alam kase namin na basketball player ang isa sa mga type ni Amanda. 'Yon ay dahil naglalaro si Kurt ng basketball 'noon'.
"Tumahimik ka, ba't ba palagi mo'kong tinutulak sa Nicholas na 'yon? Hindi ko nga siya type."
"Ay hindi 'no! KurtMandy shipper kaya ako forever!" nag-finger cross pa si Jade na siyang dahilan ng pagtawa namin.
"Haha! Bakit hindi nalang si Nico at Julia ang iship mo."
"Uy, uy, uy! Ba't ako nasali??"
"Ayoko! RaiLia shipper din ako! KurtMandy at RaiLia lang sakalam!"
Napasapo ako sa aking noo ng wala sa oras. Wala narin kaming ibang magawa si Mandy kundi ang tumawa nalang.
"Wait, ano bang mas maganda pakinggan? RaiLia, JulRai, o ChiRai?"

BINABASA MO ANG
Bittersweet
Novela JuvenilSa loob at labas ng pusong nasawi, may pag-asa pa bang mapanalo ito at mabuhay muli? Julianne Chinishia Sin Baltazon. Ang babaeng kailanman ay hindi nawala at pinakawalan ang katotohanang may gusto siya sa isang taong mahirap at malabong abutin. Gay...