Chapter 4: Curiousity

16 7 0
                                    

Ilang araw nalang at Intramurals na namin. Alam na namin ang mga teams para sa Intramurals. Tatlong teams kasi iyon, 'Team Lanister', 'Team Targaryen' at Team Mallister. Ang section namin ay nasa 'Team Mallister'. Yung section nila Denisse ay nasa Targaryen. Magkalaban kami rawr. Magkalaban din kami ni crush kasi nasa Lanister sila, awit.

At dahil hindi naman kami sporty ng mga pinsan ko, hindi kami sumali sa mga sports games. Sa basketball, sasali sila Nico, Kurt at iba pa nilang barkada. Sa volleyball naman, si Nicole at yung isa pa naming kaklase.

Sanaol sporty.

"TAPOS GANTO----PAK!" sigaw ni Amanda habang tinuturo siya ni Nicole kung paano tumira ng bola. Game na game si Amanda kasi gusto niya rawng gantihin yung nakatama sakin last week.

Hayst, hindi niya pa nakalimutan. Pano ba naman kasi, nadala pa'ko sa clinic nun at late na nakauwi. Hindi naman nagalit sila mama pag-uwi ko dahil hinatid naman ako ng mga pinsan ko. Akala nga nila nag-group study lang kami.

"Hindi ka naman marunong Amanda," pagbibiro ko. Totoo naman HAHAHAH. Kung tutuusin, mas magaling pa si Kristina sa kanya. Hindi nga lang kasing galing ni Nicole.

Umirap naman ito at tumawa. Tumabi si Amanda ni Kristina na nakaupo sa sahig, nagse-cellphone na naman.

"Ano ean---" agad tinago ni Kristina ang cellphone niya para hindi makita ni Amanda. Hindi ko nalang sila pinansin at nilalaro nalang ang bola ni Nicole.

Pano kaya kung marunong akong mag-volleyball? Edi sana nasalo ko yung bola para hindi tumama sakin. Di bale, atleast nalaman ko na ang pangalan niya mwahahahah.

Raiko pala ha.

Hindi pa nila alam kung sino ang crush ko pero balak ko yun sabihin sa kanila sa susunod na mga araw. Busy pa sila eh.

Pumwesto ako sa opposite side sa pwesto ni Nicole at tinira ng malakas ang bola.

"Punyemas! masakit pala," tumawa ako at nagreklamo. Yan kasi, feeling volleyball player ka kasi selp.

"Wag mong pansinin ang sakit, ienjoy mo lang!" sigaw ni Nicole sa kabila at tinira ang bola. Nasalo ko naman ito at tumawa.

"Tama na, ayoko pa ring masaktan," tumawa naman siya at tumakbo papunta sa pwesto ko.

Kasalukuyan kaming nasa Gymnasium dahil nagprapractice na ang mga players (sa team lang namin). Wala naman kaming klase sa hapon kaya sumama nalang kami nila Amanda.

"Feeling ko, mananalo sila Nico diyan," sumulpot si Amanda sa harap namin ni Nicole. Tumingin naman kami sa kabilang side ng Gym kung saan nandun ang mga basketball players. Puro 7th graders muna ang nagprapractice ngayon. May time slot kasi kung kailan magprapractice ang each grade level. Sila na ang last na mga 7th graders sa Mallister dahil nauna ang Lanister at sumunod naman ang mga Targaryen. Kaya baka 8th graders na Lanister na ang masusunod.

Makikita ko kaya si crush? Ay gagi, naglalaro kaya yun ng basketball?

"Mananalo talaga yan," ngisi ni Nicole kay Amanda. Dumating naman si Claire habang may dala-dalang pagkain. "Nandyan crush mo, eh."

"Enebe," kinilig na sabi ni Amanda.

"Kain muna tayo!" sabi ni Claire. Umupo naman kami sa bleachers para kumain muna ng snacks.

Ang Nova naman ang agad kong kinuha dahil ito ang paborito ko, sherep. Nag-scroscroll nalang ako sa facebook at para bang may hinahanap. Hindi muna ako nakichika sa kanila dahil tungkol lang naman sa mobile legends. Eh, hindi ako marunong dun! Si Amanda lang at si Claire.

"Mga bata! Volleyball naman!"

Sigaw ng coach nila. Sumimangot naman si Nicole na kakabukas lang ng piattos niya. Tinawanan namin siya bago pa siya tumayo at tumakbo papunta sa kanyang team.

BittersweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon