Chapter 4 : Wasted Frappuccino

579 96 204
                                    

M A X E N E

"You liar, sabi mo hindi ka gutom?" tanong sa akin ni Travis at wala akong balak sagutin siya dahil oo, dakilang mapagpanggap ako. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa nakahaing buffet?

Umalis na kami sa hotel at pumunta saglit sa pinakamalapit na mall. Kumain kami sa eat-all-you-can restaurant, dahil trip niya raw kumain ng seafood. I suggested the place kasi masarap ang seafood dito, especially the lobster and the scallops. "I can adjust my food schedule." tanging depensa ko sa kanya habang ninanamnam ang seafood marinara pasta.

He shakes his head clicking his tongue, "Still you liar." banat niya sa akin habang kumakain ng grilled spicy squid. Nang matapos kami kumain, grabe lang ang nararamdaman kong bigat sa tiyan ko, napasobra ba ako? Napaupo ako sa may bench at kaagad naman niya akong pinuntahan, "You look bloated." hindi ko alam kung compliment ba iyon o inaasar niya ako dahil talagang ayoko kung paano siya makatingin sa akin. Napakatalas ng mga mata niya na parang minsan hinuhuli niya ako sa sarili kong bibig. Hinding hindi ko pababayaang mapahiya ulit sa harapan niya. Binelatan ko siya at nakitang natawa na naman siya sa inasal ko habang iniinom ang grande sized coffee galing Starbucks.

"Bilhan mo nga ako ng frappe." utos ko sa kanya na dahilan kung bakit tinaasan niya ako ng kilay.

"Halos hindi ka na makahinga tapos frappe pa?" reklamo niya. Bakit, katawan niya ba ito? Pinapangunahan niya ako masyado.

"Did I stutter?" I look back at him, raising my eyebrow. I see him shaking his head as if he's disappointed seeing me with this kind of bratty attitude. Looks like this is how I'll push him away, "I wanted a frappuccino Travis!"

"You're one demanding woman, you know?" I can't tell if he's disappointed or amused by my attitude because of that playful smirk on his face. Ang hirap niyang basahin. Kainis.

"Para ma turn-off ka." bwisit 'to, kung gusto niyang magtagal ang arrangement na ito, paiikliin ko ito ng mas mabilisan. I have to show my worst side so I can immediately get rid of him. "Now get me a frappuccino." I demanded like a spoiled child.

"Para kang bata." mahinahon niyang sigaw at kaagad namang pumunta siya sa Starbucks para bumili ng frappuccino. Ngumisi ako, kapag nakahinga ako ng maluwag tatakasan ko siya, heh! Bakit kasi ang sarap kumain?

"Hey, you're Maxene Campbell, right?" a random guy approached me.

Ngumiti ako sa harapan niya, "Yes, how may I help you?" I should at least be polite.

"I would like to take a picture of you, if that's fine?" he looks like a decent guy, so why not?

"Sure." I said and I gave him some cute poses.

"Can I take a picture with you?" he asked a favor with a deep inviting voice. Napakunot noo naman ako nang tingnan ko siya pero nakangiti lang siya sa akin. Baka imagination ko lang iyon.

"Okay." nakangiting ani ko at pinabayaan siyang tumabi sa akin. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa may baywang, "I think this is too close?" natatawa kong puna, mukhang masyadong malapit ang lalaking ito sa akin.

"Closer pa, dali." bulong niya sa akin at naramdaman ko kung paano humaplos ang kamay niya sa tagiliran ko. I suddenly felt a little uncomfortable and I gulped. Bago pa man mapindot ng lalaki yung camera niya kaagad naman akong hinila ni Travis palayo mula sa lalaki at tinapunan yung lalaki ng frappuccino. Teka, frappuccino ko ba iyon? Buwisit! "What the fuck dude!" singhal nung lalaki sa kanya.

"Para magising ka." sagot sa kanya ni Travis na kulang na lang ay sunugin niya yung lalaki sa kung paano niya ito tingnan ng masama. Agad din naman umalis yung lalaki sa hiya at mukhang nadaan din siya ni Travis sa intimidation niya, akala mo kung sinong mabait. Tiningnan ako ni Travis at tinanong, "You okay?" his eyes almost look sincere.

The Only Hope for Me is YouWhere stories live. Discover now